antas ng mga tao sa lipunan noon unang panahon ng sinaunang pilipino
Share
antas ng mga tao sa lipunan noon unang panahon ng sinaunang pilipino
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
3 Antas na katayuan ng tao sa Lipunan
1.Maharlika
2.Timawa
3.Alipin
Answer:
Datu, Timawa, Alipin
Explanation:
Ano ang mga antas ng tao sa lipunan noong unang panahon?
Ang antas ng tao sa lipunan noong unang panahon ay nahahati sa tatlo, ito ay ang mga sumusunod:
1. Datu na kilala sa tawag na gat o lakan. Kilala naman sa tawag na dayang ang asawa ng datu. Angdatu ay may malawak na kapangyarihan. Gumaganap siya ng mga tungkulin bilang tagagawa ng mgabatas, tagapagpatupad ng mga batas at tagahatol. Siya rin ang kinikilalang pinuno ng mgamandirigma sa barangay. Ang pangunahing tungkulin ng datu ay ang pangasiwaan at pangalagaanang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.
2. Timawa o tinatawag na malayang tao sa lipunan. Hindi sila nagbabayad ng buwis sa datu ngunitmay tungkuling sumama sa kanya sa digmaan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bahay ng datu at sapagtatanim sa mga sakahan nito. Malaya silang nakakahalubilo ng mga datu sa mga piging at salu-salo ng mga maharlika.
3. Alipin na siyang pinakamababa sa lahat ng mamamayan. May dalawa itong uri: Aliping saguiguilidat aliping namamahay. Ang mga aliping namamahay ay mga karaniwang tao na pinipili ng datu upangmaglingkod sa kanyang sambahayan. May sarili silang bahay ngunit tungkulin nilang magsilbi satuwing may pagtitipon sa bahay ng datu. May sarili din silang lupa at iba pang ari-arian na namamanang kanilang mga anak. Ang mga aliping saguiguilid naman ay mga alila. Wala silang mga ari-arian.Naglilingkod sila sa bahay at sakahan ng mga maharlika. Maaari silang ipagbili sa ibang pinuno ngpinunong kanilang pinaglilingkuran.