anyo ng reyna ng langit
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
ANO NGA BA ANG ANYO NG 6 NA KABANATA NANG BUHAY NG ATING PANGINOONG HESUS?
Nang isilang sa daigdig ang anak ng Diyos na mahal nating Panginoong Hesus, may ginapanan siyang mahalagang kabanata ng buhay ayon sa nasu-sulat sa Banal na Kasulatan, (Biblia) na kung ating babasahin at pagni-nilayin ay malalaman natin ang mga ginampanan niyang buhay hangang sa pag-akyat niya sa langit.
1. Bago siya ipinanganak ng mahal na Berheng Maria, nasa sinapupunan pa lang siya ay pinangalanan na siya na si Hesus at pagsilang niya ay tatawagin siyang EMANUEL (ibig sabihin ay tagapagligtas) bilang isang sangol.
2. Nang siya ay maging bata at nglalakad na at natutuhan niya ang turo ng kanyang mga magulang, siya naman ay tinawag na NINO HESUS. Kaya nagkaroon tayo ng Sto Nino bilang pagkilala sa kanyang kabataan.
3. Nang lumaki na ang ating Panginoong Hesus at ginawa na niyang mag libot-libot sa mga ibat ibang lugar at nangaral tinawag naman siyang MAESTRO o GURO.
4. Nang ang Panginoog Hesus ay mang-gamot, magpagaling ng lahat ng uri ng karamdaman, magpalayas ng mga masasamang espiitu na sumasapi sa mga tao at buhayin ang mga patay, isa na si Lazaro ang tawag sa kanya ay HESUS NAZARENO.
5. Nang usigin siya ng mga kaaway, dumanas ng labis na pasakit dahil sa paghahayag ng katutohanan, nandoon na hampasin ng suplina ang buong katawan na nakagapos sa haliging bato, pinutungan ng tinik at inu-uroy ng mga kaaway. Hangang sa ipako siya sa krus dito siya tinawg na HESUKRISTO.
6. Nang siya ay mabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat, dito siya tinawag na KRISTONG HARI o KRISTO REY.
Ito ang anim na kabanat ng buhay ng ating Panginoong Hesus, dahil sa kanyang pagkatawang tao para tubusin tayo sa kasalanan. Basahin natin sa Banal na Kasulatan buhat sa kanyang pagsilang at pagnilayan natin ang kanyang ginampanan na buhay at ito ang makikta natin na kabanata ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Explanation:
Answer:
Ang reyna ng langit o Reyna ng Kalangitan ay isang titulong ibinigay sa Birhen Maria ng mga Kristiyano na karamihan ay mula sa Simbahang Katolika Romana, at pati na rin ng Silanganing Ortodoksiya sa ilang pagkakataon, kung saan ang titulo ay bunsod ng Unang Konsilyo ng Efeso noong ikalimang siglo, nang kilalanin ang Birhen Maria bilang "theotokos", isang titulo na kapag isinalin sa Latin ay Mater Dei, o sa Tagalog ay "Ina ng Diyos".