A.Panuto: Bilugan ang pandiwa sa pangungusap.Isulat kong ito ay nasa
Aspektong Naganap o Perpektibo, Nagaganap o Imperpektibo at
Magaganap o Komtemplatibo.
__________1. Uuwi ako sa amin bukas.
__________2. Nakita ko si Coco Martin sa Mega Mall.
__________3. Nangangaral ang Nanay sa kanyang mga anak.
__________4. Umiyak si Xander kanina.
__________5. Nagdidilig ng mga halaman si Mang Caloy.
B.Panuto: Piliin ang pandiwang angkop sa aspektong isinasaad ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga nasunugan ay (hihingi, humingi, humihingi) ng tulong sa amin.
2. Ang gripo ay kanyang (sinasarhan, sasarhan, sinarhan) tuwing matapos
gamitin.
3. (Kaaalis, Umalis, Umaalis) pa lamang ni Tita Agnes nang tumawag ka.
4. (Namitas, Namimitas, Pipitas) kami ng gulay linggu-linggo.
5. (Ipakain, Ipinakain, Ipakakain) niya sa aso ang tira naming pagkain
kanina.
C.Panuto: Gamitin ang wastong anyo ng salitang-ugat sa loob ng panaklong
bilang pandiwa. Isulat sa patlang ang pandiwa ayon sa aspektong hinihingi
sa bawat pangungusap.
Salitang-ugat Pangungusap
(kagat)
1._________ ng lamok ang aking kaibigan na nagging sanhi
ng kanyang pagkakasakit
(sama )
2._________ ka ba sa party?
(ayos )
3._________ng guro ang mga aklat sa mesa.
(pasyal )
4._________ niya ang kaibigan sa magagandang lugar sa
bansa.
(tuwa)
5._________si Nicole sa magandang balita.
A.Panuto: Piliin ang pandiwa sa pangungusap at isulat sa patlang ang
pokus nito.
________1.Ipangwalis mo ang tambo sa makinis na sahig.
________2.Tumawid ang bata sa kalye kaya siya nabundol ng sasakyan.
________3.Inumin mo ang gamot na binili ko para sa iyo.
________4.Magtatayo ng negosyo ang Ate Carol ko sa aming bayan.
________5.Napagbahayan na ang kanilang lote sa kabilang barangay.
________6.Ang sakit sa atay ang ikinapamayat ng kanyang ama.
________7.Ang bata ay ibinili ng bagong laruan.
________8.Pinasyalan namin ang parke.
________9.Ang bagong gunting ay ipinanggupit sa tela.
________10.Ikinagagalit niya ang pag-alis mo.
B.Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa tamang
hanay ang pandiwa, panlapi, simuno at pokus. Sundan ang unang bilang.
Pandiwa Panlapi Simuno Pokus
1. Nagluto
2.
3.
4.
5.
6.
nag Tatay Tagaganap
1.Nagluto ng pansit si Tatay.
2.Iniluto ko ang ulam.
3.Pinaglutuan ni Nanay ng sinigang ang palayok.
4.Nagpaalam agad ang panauhin.
5.Maliligo sila sa Boracay.
6.Linisan mo ang iyong silid.
C.Panuto: Tapusin ang pangungusap. Isulat ang nawawalang pandiwa sa
patlang sa pamamagitan ng wastong pagbabaybay. Sundin ang hinihinging
pokus ng pandiwa.
Halimbawa:
(Pokus sa tagatanggap o Benepaktib) Ang pamilyang walang bahay ay
(gawa) ginawan nila ng bahay.
Pokus ng Pandiwa Pangungusap
(Pokus sa tagatanggap o
Benepaktib)
1.Ang ama at ina ay (sukli) __________ ng tunay na
paggalang at pagmamahal.
Pokus sa Gamit o
Instrumental
2.(laban) __________ mo sa masasama ang
mabuting kalooban.
Pokus sa Sanhi o
kawsatib 3.(diwang) ___________ ng pamilya ang
pagkakaroon ng bahay.
Pokus sa Layon o Gol
4.(kulay) _______ mo ng berde ang iyong silid.
Pokus sa Tagaganap o
Aktor 5.(ani) ________ si Jade ng papuri mula sa
kanyang mga guro
Share
Answer:
1 magaganap
2 naganap
3nagana
4Naganap
5 nagaganap
Answer:
A.
1.bukas
2.nakita
3.nangangaral
4.kanina,umiyak
5.nagdidilig
B.
1.humihingi
2.sasarhan
3.Kaaalis
4.Namimitas
5.Ipinakain
Explanation:
Sana makatulong