Aralin Natin
Paano mo ipinakikita ang pagmamahal at pagpapasalamat mo sa Diyos?
Paano mo mailalarawan ang iyong pananampalataya? Basahin ang tula at tuklasin kung paano.
“Manalig ka at Magpasalamat”
Emm B. Cuabo
Ang buhay ng tao ay mahiwaga
Walang sinuman ang nakakaalam sa kinabukasan
Tanging Pananalig sa Diyos ang sandata at sandigan
Isang paraan sa pagkilala sa kaniyang kapangyarihan
Ang mundong ating ginagalawan
Sa kabila ng kawalang katiyakan na ating haharapin,
Ating dinaranas na paghihirap at mga suliranin
Alam nating may Diyos na didinig sa ating mga panalangin
Ang pagsunod at paggalang sa nakatatanda
Pagrespeto at paggawa ng mabuti sa ating kapuwa
Ang pangangalaga at pag-iingat sa mga hayop at kapaligiran
Ikinalulugod ng Diyos ang paggawa ng kabutihan
Sa Diyos tayo tumatawag kapag may gustong hilingin
Sa Diyos tayo tumatawag kapag walang malalapitan
Sa Kaniya lang nagmumula ang tugon sa ating kawalan
Marapat lamang na Manalig ka at Magpasalamat!
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
2.aling linya sa tula ang pinakagusto mo? Bakit?
3.Paano maipapakita ang pagmamahal at pagpapasalamat mo sa Diyos?
pls answer my score is so low now pls answer :(
Share
Answer:
1. Tungkol sa Diyos na dapat Tayo magpapasalamat sa ating mga biyaya.
2.“Sa Diyos Tayo tumatawag kapag maygustong hilingin.
Sa Diyos Tayo tumatawag kapag walang malalapitan.
Sa kanya Lang nagmumula ang tugon sa ating kawalan.
Marapat lamang na manalig at magpasalamat”
(My opinion)
3. Magdasal Tayo araw-araw at magpasalamat sa ating mga biyaya.
Explanation:
Sana po makatulong >3
Answer:
1. Mahalin ang Diyos.
2.Tanging pananalig sa Diyos ang sandata at sandigan. Dahil ang kapag nanalig ka sa Diyos ay lalakas ka lahat ng gusto mo ay mag kakaroon ka kaya ang pananalig sa diyos ay mahalaga.
3. Mag dasal palagi at sundin ang sampung utos ng Diyos. #CARRYONLEARNING