Aralin
Ang pag-uugnay ng ibat ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahala-
ga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng
teksto. Sa Filipino, ang pang- ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng
pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig. Ang pang-ugnay
ay mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang sugnay. Ang mga pang-ugnay na panubali ay
ginagamit upang ipahayag na ang aksyon sa pangunahing sugnay ay mangyayari
lamang kapag natupad ang isang kondisyon. Ang kondisyon ay ipinakikilala ng
mga salitang kung, kapag, sakali, at pag. Ang mga pang-ugnay na ginagamit
naman sa paglalahad at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay ang una,
ikalawa, halimbawa, isang araw, samantala, at iba pa.
Ang pang-ugnay na
panghikayat naman ay ginagamit upang iugnay ang mga salita sa loob ng
pangungusap at
talata kung saan ay nagsasaad ng pagpapatotoo,
pagpapatunay, o maaaring pagbibigay ng pasubali. Halimbawa nito ay ang totoo,
tunay, talaga, pero subalit, at iba pa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Gamit ang mga salitang nag-uugnay bumuo ng
hinuha tungkol sa mga posibleng mangyayari sa bawat pahayag. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
na
Hinuha
Pangungusap
1. Hindi ka sana maiiwan kung
2. Kung sakaling nakalimutan mo
ang mga pangako ko sa'yo
3. Kapag nahuli ka sa curfew
4. Hindi sana siya mahahawa ng
sakit kung
Share
Answer: