ASPEKTO NG PANDIWA
Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o isasagawa pa
lamang ang kilos Paniaping makadiwa naman ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa salitang-ugat ng pandiwa upang
mapakita ang aspekto nito.
1. PERPEKTIBO o Aspektong Naganap - nagsasaad na natapos nang gawin ang kilos
Halimbawa, naglakad, lumukso tumakbo, nagsulat
Aspektong Katatapos - nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos a pandiwa Nabubuo ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalam din ng
aspektong perpektibo
Halimbawa kalalakad (ka + unang pantig ng salita la + salitang ugat lakad)
Kalulukso (ka - unang pantig ng salita: lu + salitang ugat lukso)
2 IMPERPEKTIBO o Aspektong Nagaganap - nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hin
pa tapos
Halimbawa naglalakad lumulukso tumatakbo, nagsusulat
3. KONTEMPLATIBO o Aspektong Magaganap - ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang
Halimbawa, maglalakad, lulukso, tatakbo, magsusulat
Gawain 2 Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa papel PERPEKTIBO O IMPERPEKTIBO O KONTEMPLATIBO
1 Kinumbinsi siya ng kanyang hipag na magtrabaho sa isang konstruksyon.
2. Paano tayo mabubuhay kung ang bawat nagpapakumpuni ng bahay ay pabatares?
3 Katatapon niya lamang ng pinagtabasan ng kahoy ng ito'y hanapin ng kanyang ama
4. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Inaapoy ito ng lagnat.
5 Inihatid sa kanyang huling
hantungan ang labi ni Tata Pulo.
Share
Answer:
1.IMPERPEKTIBO
2.IMPERPEKTIBO
3.PERPEKTIBO
4.IMPERPEKTIBO
5.PERPEKTIBO
Explanation:
sana makatulong