At lalong Gawain 3: Dugtungan natin Panuto: Lapatan ng wastong pang-abay na pamanahon ang mga patlang sa loob ng akda Kaygandang pagmasdan ang mga ibong malayang lumilipad sa kalangitan. nakabibighani ang mga ito sa tuwing sumasagi sa ating pandinig ang tila musikang nalilikha ng mga ito sa tuwing humuhuni. Ngunit, ano nga ba ang hiwaga sa likod ng paglipad at paghuni ng mga ibon?
(1) sa panahong 'di pa nakatatapak sa lupain ng Pilipinas ang sinumang dayuhan, ay may mag-asawang naninirahan sa isang kubong nakatayo sa ibabaw ng mala- batong sanga sa isang malagong puno. Bagamat 15 taon nang nagsasama ang dalawa, hindi pa rin sila nabibiyaan ng anak. Kaya,
(2). bago matulog ay matiyaga silang nanalangin kay Bathala.
(3) pa noon, lagi naming isinasamo sa aming pagdulog sa inyo ang magkaroon ng anak. Kahit isa lang po ay lubos na naming ikasisiya." sabay na dalangin ng mag-asawa. Di nagtagal, dininig na rin ni Bathala ang kanilang kahilingan at nagdalantao ang babae Dahil sa biyayang natanggap, walang araw na hindi nakalilimot magpasalamat ang mag-asawa kay Bathala. Babae ang kanilang naging anak na pinangalanan nilang Ada. Binusog nila ito ng pagkalinga't pagmamahal. Habang lumalaki ang kanilang anak, kapuna-punang kasabay ng pagtingkad ng kanyang kagandahang pisikal ay ang pagiging kahali-halina ng kanyang matimyas na tinig. At dahil dito, labis ang naging pagprotekta ng mag-asawa kay Ada, na humantong sa pagbabawal nila rito na lumabas ng kanilang bahay. Takot kasi silang mawala ito sa kanila
(4)araw at wala kami rito sa bahay, palagi mong isara ang pinto." bilin ng lalaki. "Tandaan mo anak, bawal kang lumabas," dagdag ng babae Naiintindihan naman sila ng kanilang anak, kaya nga sa
(5) matapos nitong gawin ang mga gawaing-bahay ay nagkakasya na lamang siya sa mumunting kasiyahang natatamo niya sa pagmamasid sa kalangitan habang nakatanghod sa may bintana.
Share
Answer:Pa answer po Please need na i submit sa wenesday
Explanation: