ayon kay padre Francisco Collins ,SJ na isang manunulat Ng kasaysayan,Ang mga unang Tao sa ating bansa ay so tharsis,na anak no Javan at apo sa tuhod no noe na pinagmulan Ng iba't ibang lahi sa daigdig
a.kittim,shem,at Javan
b.shem,hamat japhet
c.japhet,elisha,at shem
d.ham,kittim at tharsis
please pakisagot Ng maayos
itatag ko kayo na brainless answer
Share
Answer:
B. Shem, Ham at Japhet
Explanation:
Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si Adan at sa unang babae na si Eba. Pagkatapos ng malakas na pagbaha (Great Flood), si Noe at ang kanyang tatlong anak ay namuhay muli sa kapatagan. Ang anak ni Noe na sina – Shem, Ham at Japhet – ay nagkaroon ng mga anak pagkatapos ng baha. Ang bunsong anak ni Japhet na pinangalanang Javan (Genesis 10:1-4) ang pinagmulan ng apat na apo ni Noe na sina – Elishah, Tharsis, Kittim at Rodanim. Ayon sa Bibliya, sa mga taong nanggaling sa arko nagmula ang mga tao na siyang kumalat at nanirahan sa kani-kanilang
teritoryo at pamayanan at nagkaroon ang mga ito ng kani-kanilang wika. Ayon kay Padre Francisco Collins, SJ, isang manunulat ng kasaysayan, ang mga unang tao sa ating bayan ay si Tharsis, na anak ni Javan at apo sa tuhod ni Noe, kasama ng kanyang mga kapatid at kaanak. Sa pagdaan ng mga panahon, ang mga lahi nila ay nanirahan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig na ating tinaguriang Asya, at ang mga isla ng Pilipinas.