B. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.SALUNGUHITAN ang salitang nagtataglay ng katamtamang damdamin, BILUGAN ang salitang masidhi ang kahulugan at IKAHON naman ang may pinakamasidhing damdamin.
1. Natutuwa ako na nag-aaral ka nang mabuti. Nagagalak akong matataas ang iyong marka. Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso.
2. Tunay na nabighani ako sa mga kulay at disenyo ng ginawa mong proyekto. Naaakit akong buksan at basahin ang aklat na ito. Nagandahan ako sa ginawa mong kuwento.
3. Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka. Nagimbal ako sa nangyari sa iyo kahapon. Natakot din ako nang bahagya kung kaya't dinalaw kita sa ospital.
4. Kinabahan ako sa iyong ginawa. Marami ang natakot dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kinilabutan ang lahat dahil nakita ka nila sa ganoong kalagayan.
5. Labis akong nag-aalala sa maaaring kahinatnan ng ating bansa dahil sa mga hindi magandang pangyayari. Natigatig ako nang malamang malaki ang posibilidad na bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga ganitong pangyayari. Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na paglaganap ng kriminalidad sa ating bansa.
Share
basahin mo lods yung direction