B. Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin sa bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. 1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa
B. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto.
C. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po at opo sa mga nakatatanda.
D. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya. 2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya?
A. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.
B. limbitahan ko siyang magbasketbol
C. Magkukunwari akong hindi narinig ang tatay dahil mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan ko siya.
D. limbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka. 3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
B. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
C. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal
D. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.
Share
Answer:
1.C
2.B
3.B
Explanation:
Bilang isang magalang na bata kailangan na igalang ang matatanda sa paggamit ng 'po at 'opo
Ang pinakatradisyon na laro ay ang mga larong kalye kaya basketbol ang maaari mong ituro
Maging masipag na mag- aaral gawin ang mga pinapagawa ng guro ng buong makakaya