B. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita batay sa kayarian nito at isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel upang mabuo ang diwa ng talata. Matapos
maisulat ang salita, tukuyin ang kayarian nito kung ito ba ay Payak, Tambalan,
Maylapi o Inuulit. Gayahin ang tsart sa iyong sagutang papel.
Sa isang malayong kaharian, naging matunog ang pangalang Psyche. Si
Psyche ay hinahangaan ng lahat ng mga tao sa kanilang 1. __________________ dahil
sa kaniyang angking kagandahan.
Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kaniya.
Maging ang iba pa niyang 2. __________________ ay hanga rin sa kaniya. Bagaman
maraming humahanga sa kaniya, wala namang nangahas na siya’y ligawan at
maging asawa. Kahit sa anomang parte ng mga 3. __________________ ay wala ni
isa.
Kung kaya humingi ng tulong ang kaniyang ama kay Apollo upang
magkaroon na siya ng asawa. Iminungkahi niyang siya’y makapangangasawa ng
isang nakatatakot na halimaw. Agad naming tumalima ang hari kung kaya
kinaumagahan ay nagbihis na si Pscyhe upang siyang ikasal.
Sa araw ng kaniyang kasal ay mistula siyang ihahatid ng
4. __________________ sa kaniyang libingan. Nagsama sila ng kaniyang naging
asawa na sa una’y akala niyang halimaw ngunit ito pala ay si Cupid na isang diyos.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil na rin sa utos ni Cupid na
sinuway ni Pscyhe. Aksidenteng natuluan ng kumukulong langis ang balikat ng
lalaki nang tiningnan ni Pscyhe ang mukha nito dahilan upang umalis ang lalaki.
Hinarap ni Pscyhe ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa
kaniya. Matagumpay niyang nagawa ang lahat at muli silang nagsama ni Cupid.
Nang sila’y nag- 5. __________________, si Psyche ay naging diyosa na.
Share
Answer:
1.Bayan
2.Kabayan
3.Bayan-bayan
4.Taumbayan
5.Balikbayan
1.Payak
2.Maylapi
3.Inuulit
4.Tambalan
5 .Tambalan
#carryonlearning