ba nah valencia anong
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang pagpigil o pagbibigay ng restriksyon sa mga gawain o pagkilos batay sa kasarian na naglalayon na pahirapan o alisin ang kakayahan ang mga babae na magkamit, tamasain o magamit ang mga karapatan at kalayaan na ginagawad sa kanya ng konstitusyon (pulitikal, sibil, ekonomiko, kultural na karapatan at iba pa).
Anong mga karapatan ang binibigay ng batas na ito?
Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas.
Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng estado.
Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t ibang uri ng pagsasanay. Pinagbabawal nito ang pagtatanggal o paglalagay ng limitasyon sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong institusyon ng edukasyon dahil lamang sa pagkabuntis nang hindi pa naikakasal.
Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan(sports)
Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno, hukbong sandatahan, kapulisan at iba pa.
Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit anong uri ng media
Iginagawad ng batas na ito ang pagkakaroon ng two-month leave na may bayad sa mga babae na sumailalim sa isang medikal na operasyon, pagbubuntis o gynecological na mga sakit
Isinusulong ng batas na ito ang patas na karapatan sa mga bagay at usapin kaugnay ng pagpapakasal at mga usaping pampamilya.
Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi ng politika at pamumuno at itulak ang ilang mga agenda na kaugnay sa kababaihan.