Pasasalamat
Tula ni: Ann Lolet T. Pineda
Bukod tanging IKAW lang ang naiiba sa lahat. Ngiting maamo at may pusong busilak, Tulad mo'y isang bituin nagniningning sa ulap, Sakupin man ng dilim, ito'y kusang liliwanag.
Salamat Oh Panginoon! Sa mga biyaya mong bigay, Salamat at ikaw ang sandalan ng aking buhay, Sa mga panahong mundo ko'y madilim, Aking mga pasanin ay 'di naging lihim. Bagamat malayo at hindi makita, Tiyak kong nandyan ka, nakaantabay sa tuwina, Binibigyan ng panibagong lakas, Upang makaahon sa hamon ng bukas.
Taos pusong pasasalamat ang aking alay, Handog na tula na sa atin ay nag-uugnay, Ating pagyamanin at gawing isang gabay, Panatilihing matatag habang tayo'y nabubuhay.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Tungkol saan ang nabasang tula?
2. Sino ang tinutukoy ng salitang IKAW sa unang bahagi ng tula?
3. Sa mga anong dahilan/ bagay nagpapasalamat ang may akda ng tula?
4. Bakit dapat tayong magpasalamat sa Diyos?
5. Sa paanong paraan maipapakita ang pasasalamat sa Diyos?
CORRECT=BRAINLIEST
NONSENSE=REPORT
50 POINTS
Share
1. Tungkol sa isang pasasalamat.
2. Iyong sarili
3. Mga bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya
4. Kasi siya ang may ari ng lahat
5. Sa pamamagitan ng pagsamba sa kaniya.
Thank you for 50 points. #CarryOnLearning!