bakit ang pilipinas ay prone sa lindol
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Isa ang Pilipinas sa limang bansa sa Southeast Asia na pinaka disaster-prone ayon sa tala ng Philippine Institute For Development Studies (PIDS).
Bukod sa Cambodia, Laos, Indonesia at Vietnam, ang Pilipinas ang mas madalas na daanan ng bagyo at madalas magkaroon ng lindol.
“Sa Pilipinas unfortunately we have all of these elements, we are on the earthquake belt, nandun din tayo sa typhoon belt so we are very prone sa hazards”, pahayag ni PIDS Senior Research Fellow Jose Ramon Albert.
Kumpara sa mga katabing bansa, nakaranas na ang Pilipinas ng mahigit dalawang daang sakuna sa nakalipas na dalawang dekada batay sa datos ng PIDS.
Umabot naman sa mahigit labing siyam na bilyong piso ang halaga ng pinsala na katumbas ng halos isang porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas kada taon.
Bunsod nito, patuloy ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang ahensya sa posibleng pagtama ng mga kalamidad sa bansa.
Una nang nagsagawa ng pagsasanay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mas mabilis na makatugon at makapagbigay ng tulong tuwing may kalamidad.
Nagsasagawa rin ng earthquake drill ang ibat ibang mga paaralan sa bansa sa pangunguna ng Departament of Education (DepED) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).