bakit ayaw ni Rizal sa pilipinas nung panahon Ng kastila?
Share
bakit ayaw ni Rizal sa pilipinas nung panahon Ng kastila?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Si Rizal sa kanyang panahon ay tumayo para sa mga Pilipino. Itinuring natin siyang isang pambansang bayani dahil kanyang inalay ang kanyang buhay para sa ating lahi. Tumayo siya laban sa mga dayuhang mananakop, particular sa mga espanyol maging sa mga prayle nito.
Sa panahon ni Rizal laganap ang pangmamata ng mga espanyol sa ating mga Pilipino. Noon ay anng mga Pilipino ay nagging mga alipin sa sariling bansa, walang karapatang magsalita, walang karapatang matuto at walang makikitang pagunlad sa mga Pilipino. Hinahadlangan ng mga espanyol ang pagkatuto ng mga Pilipino sa pangambang labanan sila ng mga ito, at maagaw sa kanila ang kapangyarihan. Nais nilang sila lamang ang mga nakaka-angat at ayaw nilang may mga pilipinong makapantay sa kanila. Maihahalintulad ito sa kasalukuyang panahon ngunit sa halip na mga espanyol ang; humahadlang sa pagunlad ng mga Pilipino, nagnanais na sila lamang ang nakaka-angat ang mga pilipno na ang gumagawa nito sa isa’t-isa. Hinahadlangan ng kapwa Pilipino ang pagunlad ng kanilang kapwa upang sila lamang ang may kapangyarihan. Halimbawa ay dalawang magkaibigan, ang isa’y may trabaho’t ang isa’y nag a-apply sa pinagtatrabahuhan ng isa, sinisiraan ng nagtatrabaho na sa kanyang boss ang kaibigang nagaapply. Ayaw ng isa na makapantay sa kaniya ang kaibigan niya.
Sa Panahon ni Rizal laganap ang pang-aabuso ng mga prayle; ang pamemera ng mga ito at pangangamkam nito ng mga lupain. Gayundin sa kasalukuyang panahon, may mga tao ring namemera at nangangamkam, ngunit hindi na na ito mga prayle, ito na ay ang mga opisyal ng gobyerno. Sa halip na gastusin nila ang pondo ng gobyerno sa ikauunlad ng bayan, kinakamkam nila an gang pera upang payamanin ang kanilang mga sarili.
Masasabi kong ang lagay ng pilipinas ngayon ay hindi nalalayo sa kalagayan nito sa panahon ni Rizal. Narito pa rin ang mga taong humahadlang sa pagunlad ng pilipinas. Alipin pa rin ang mga Pilipino, alipin hindi ng mga dayuhan, kundi ang mga kapwa Pilipino. Malaya, oo Malaya mula sa mga dayuhang mananakop ngunit hindi sa kahirapang umaalipin sa bawat Pilipino.
Masasabi kong kailangan pa rin ng Rizal sa kasalukuyang panahon, ngunit hindi ang Rizal na isasakripisyo ang kanyang sariling buhay para makalaya ang bayan mula sa mga dayuhang espanyol kundi ang isang Rizal nalalaban sa kapwa Pilipino, ang rizal na lalaban sa mga tiwaling opisyal ng gobyero at ang rizal na magpapalaya sa Inang bayan at sa mga anak nito mula sa kamay, sa hawla ng kahirapan.
Explanation:
pa brainliest naman po :)