Bakit dapat isulong ng tao ang pangangalaga ng kalikasan kasabay ng kanyang gawaing pangkaunlaran?
Home
/
Bakit dapat isulong ng tao ang pangangalaga ng kalikasan kasabay ng kanyang gawaing pangkaunlaran?
Bakit dapat isulong ng tao ang pangangalaga ng kalikasan kasabay ng kanyang gawaing pangkaunlaran?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
upang mapakinabagan Ang ating yamang lupa
Answer:
Ang kalikasan ay maituturing na panlahatan. Sinasakop nito ang pagsustine sa buong Lupa, mula sa halos di-nakikitang mga organismo hanggang sa mga dambuhalang umiiral. Kaya mauunawaan natin na ang anumang pagbabago dito ay makaaapekto sa iilan at sa maglaon ay sa maramihan.
Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi isang personal na desisyon lamang. Sangkot ang lahat ng tao sa buong daigdig. Ang paggawa ng kabutihan sa kalikasan ay paggawa ng kabutihan sa pangkalahatan. At ang kabaligtaran nito, ang pagsira sa kalikasan ay paggawa ng kasamaan para sa pangkalahatan.
Halimbawa, ang pagtatapon ng basura, isang maliit na balat ng kendi, ay tila napakaliit naman at halos hindi na makikita ng iba. Pero ang dami ng gumagawa nito ay makikita sa bultu-bultong nakukuha sa kapaligiran at sa yamang-tubig. Isang nakalulungkot na bagay- ang pagdumi ng iyo mismong lugar na kinabubuhay!
Bakit hindi subuking simulan sa sarili ang tamang pagtatapon ng basura ayon sa tamang lagayan. Makikita mo, mapapadali sa mga collector na i-segregate ang mga nakokolektang basura. At makikita ng gobyerno ang tamang lugar upang ito ay pinale na itatapon.
Hindi naman masasabing kabutihan ang basta mo na lamang gagawin ang naisin mo sa iyo mismong tirahan- ang Lupa. Mayroon itong mga batas na sinusunod at ang tao ang unang inaasahang susunod sa mga batas na ito upang mapanatili hindi lamang ang ganda kundi ang kalidad ng mga nilalang. Sino ang ayaw ng masarap na hangin, ang libreng tubig, ang maberdeng bundok, ang sapat na init at lamig, ang ulan at mga hayop na sari-sari? Lahat ng ito ay inilaan hindi lamang upang mabuhay, kundi ang masiyahan tayong mga tao.