Bakit dapat natin ipagmalaki ang ating pagiging Pilipino at ang Bansang
Pilipinas?
HELP ME PLEASE
Share
Bakit dapat natin ipagmalaki ang ating pagiging Pilipino at ang Bansang
Pilipinas?
HELP ME PLEASE
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mahal ko ang bansang ito dahil isa akong Pilipino.
Marami nang tanyag na banyaga at kapwa natin Pilipino ang nagsulat at pumuna sa ating bansa at ating pagka-Pilipino. Mayroon na ring mga lumabas sa telebisyon, nalathala sa mga pahayagan, at kumalat sa internet ukol sa mga pintas sa dumi ng ating lahi. May ilang libro na ring sumubok pukawin ang ating kamalayan upang magising sa katotohanan na kailangan na ng pagbabago.
Oo. Marami na tayong pagkakamali bilang isang lahi. Marami nang nangamatay dahil sa pagmamahal sa ating bayan, at para kanino?
Para sa mga pulitikong umuubos ng mga salapi ng mga mahihirap?
Para sa mga kawani ng gobyerno na nangungupit at nanlalamang ng kapwa Pilipino?
Para sa mga presidente na puro na lamang pangako na uunahin ang bayan bago ang sariling interes?
Hindi.
Para ito sa ating bayan at sa mga mamamayan na handang magbago para sa hinaharap.
Kung ating iisipin, puro na lamang negatibo ang nalalahad sa mga nakaraang nabasa mo tungkol sa Pilipinas at mga Pilipino. Nakakahiya, nakaka-inis, nakakapikon, nakakatawa, masakit at kadalasan ay totoo.
Gusto kong sanang baguhin iyon.
Bakit hindi tayo tumutok kung saan natin mas maipagmamalaki ang ating lahi? Kung saan wala tayong pag-iimbot sa kapwa? Kung saan wala tayong sisisihin na ibang tao, kahit katabi o kaharap mo na ito?
Kasi ang alam ko, mahal ko ang pagiging Pilipino dahil:
Tayo lamang ang bansang may national cuisine na toyo, suka at baboy lamang ang kailangan, ay naglalaway na ang ating mga kapit-bahay.
Tayo lamang ang lahi na nasalanta na ng bagyo, nagiba na ang paligid at kahit parang katapusan na ng mundo ay nakukuha pang sumagot kapag binabati ng “Magandang araw po!” ng “Magandang araw rin.” habang tayo’y nakangiti.
Tayo lamang ang lahi na tinitiis ang lahat na ibato sa atin ng buhay: bagyo, tiwaling pulitiko, tsimosong kapit-bahay, sunog, demolisyon ng MMDA, pagkamatay at isama mo na rin ang mga aswang at zombies sa pelikula. Iisa ang ating tugon: Sisiw.
Handa tayo sa lahat ng bagay: mawalan ng kuryente ng isang linggo, bahain ng ilang taon at maging ang kabaligtaran nito: kawalan ng tubig sa gripo.
Kahit na nasa 5’5″ lang ang ating average height, nangangarap pa rin tayong maging susunod na Michael Jordan, Lebron James at Kobe Bryant. Maging flight stewardess at modelo sa Paris naman para sa ating mga kababaihan! Kasi, ang mga Pilipino, MATAAS MANGARAP.