bakit ipinagawa ang kaharian ng sudan?
Share
bakit ipinagawa ang kaharian ng sudan?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Timog Sudan
Ang Timog Sudan, opisyal bilang ang Republika ng Timog Sudan [2] (Arabe: جمهورية جنوب السودانان, Dinka: Paguot Thudän, Kastila: Sudán del Sur) ay isang bansa sa Silangang Aprika. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod nito ay Juba. Ito ay isang bansang napaliligiran ng lupa na may hangganan sa Etiyopiya sa silangan; Kenya, Uganda at Demokratikong Republika ng Konggo sa timog; ang Republikang Gitnang-Aprikano sa kanluran at Sudan sa hilaga. May malawak na latiang rehiyon ng Sudd na dinadaluyan ng Puting Nilo na lokal na tinatawag bilang Bahr al Jabal.
Republika ng Timog Sudan
جمهورية السودان
Watawat ng Timog Sudan
Watawat
Emblem ng Timog Sudan
Emblem
Salawikain: "Katarungan, Kalayaan, Kaunlaran"
Awit: "South Sudan Oyee!"
Location of Timog Sudan
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Juba
Opisyal na wika
Ingles, Dinka
Kinilalang wikang panrehiyon
Ang Arabikong Juba ay ang lingua franca sa paligid ng Juba.
Pangkat-etniko
Dinka, Nuer, Bari, Lotuko, Kuku, Zande, Mundari, Kakwa, Pojulu, Shilluk, Moru, Acholi, Madi, Lulubo, Lokoya, Toposa, Lango, Didinga, Murle, Anuak, Makaraka, Mundu, Jur, Kaliko, at iba pa.
Katawagan
Timog Sudano
Pamahalaan
Federal presidential democratic republika
• Pangulo
Salva Kiir Mayardit
Lehislatura
Asembleyang Mambabatas
Kalayaan mula sa Sudan
• Komprehensibong Kasunduan sa Kapayapaan
Enero 6, 2005
• Awtonomiya
Hulyo 9, 2005
• Kalayaan
Hulyo 9, 2011
Lawak
• Kabuuan
619,745 km² (239,285 sq mi) (ika-45)
Populasyon
• Senso ng 2008
8,260,490 (disputed)[1] (ika-94)
Salapi
Sudanese pound (SDG)
Sona ng oras
UTC+3 (East Africa Time)
Kodigong pantelepono
249
Ang bayan ay unang naging bahagi ng kondominyum ng Anglo-Ehiptong Sudan ng Nagkakaisang Kaharian at Ehipto at naging bahagi ng Republika ng Sudan nang ito ay lumaya noong 1956. Matapos ang Unang Digmaang Sibil ng Sudan, nabuo ang Rehiyong Awtonomous ng Timog Sudan noong 1972 na tumagal hanggang 1983. Nabuo ang panibagong digmaan sa Ikalawang Digmaang Sibil ng Sudan at nagtapos sa isang Komprehensibong Kasunduan ng Kapayapaan noong 2005. Sa patapos ng nasabing taon, ang wtonomiya sa timog ay naibalik nang nabuo ang Pamahalaang Awtonomous ng Timog Sudan. Ang Timog Sudan ay naging isang malayang bansa noong Hulyo 9, 2011 nang madaling araw (00:00) lokal na oras matapos ng isang reperendum na isinagawa noong Enero 2011 na kung saan halos 99% ng mga bumoto ang humiling ng hiwalay na bansa mula sa Sundan.[3]
Bilang ang pinakabagong bansa sa buong mundo (sa kapanahunan ng Hulyo 2011), tumatanggap ang Timog Sudan ng mga pandaigdigang pagkilala ng pagkakabuo at paglaya nito mula sa ibang bansa. Sa araw ng kalayaan nito, ito ay kinilala agad ng apat na bansa at ng Lungsod Batikano.[4][5][6][7][8] Inaaasahang sumapi sa Mga Nagkakaisang Bansa ang Timog Sudan pati sa pagsama nito sa Unyong Aprikano at nag-aalaok na ang Ligang Arabe sa pagkakasapi ng Timog Sudan. Ito rin ay nagnanais na sumapi sa Komonwelt ng mga Bansa