Bakit kailangang mauwi sa digmaan ang pagresolba sa suliraning pang-ekonomiya ng bansa noon? Sang-ayon ka ba rito? Bakit?
Home
/
Bakit kailangang mauwi sa digmaan ang pagresolba sa suliraning pang-ekonomiya ng bansa noon? Sang-ayon ka ba rito? Bakit?
1. ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Mga bansang kalahok sa digmaan: Pransiya, Alemanya, Rusya, Austria, Hungary, Serbia, Great Britain Dahilan ng digmaan: 1. Tunggaliang internasyonal mula sa sistemang pambansang estado 2. Pag-aagawan para sa kapangyarihang political, sekretong diplomasya, at mga alyansa nito 3. Kompetisyong military at nabal 4. Imperyalismong ekonomikop 5. Nasyonalismong makalahi 6. Nasyonalismo sa mga Balkan isang kabataang Serbian, si Gavrilo Princip na suportado ng Black hand - isang lihim na kapisanan ng mga makabayang SErbian ang pumaslang kay Archduke Francis Ferdinand tagpagmana ng trono ng Austria-Hujngary at sa kanyang asawa na si Sofie sa isang kalsada sa Sarajevo ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Setyembre 1939 – sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit sa Asya nagsimula ito nang hindi deklarado sa digmaang Tsina-Hapon noong 1937. Dahilan ng digmaan: 1. Di kasiya-siyang kasunduang pangkapayapaan sa Versailles na naghasik ng mga bagong binhi ng kapaitan at tunggalian 2. Power-politics – pagsasanggalang ng mga bansa sa kanila-kanilang interes sa pamamagitan ng pagbabanta sa isa’t isa ng kanilang lakas military, ekonomiko at politikal 3. Depresyon noong mga 1930 4. Patakarang paglawak ng Nazismo 5. Nasyonalismo 6. Patakarang pagpapahinahon ng mga demokratikong Kanluranin 7. Pagsakop ng Italya sa Abyssinia at Ethiopia at ang pagsakop ng Hapon sa Manchurria na nakasira sa prestihiyo ng League of Nations 8. Digmaang Sibil ng Espanya noong 1936-1937 9. Dominasyon sa mahihinang lahi at pangangailangan ng mga industiyalisadong bansa ng mga teritoryong pagkukunan ng hilaw na materyales at merkado para sa produktong panlabas. Mga bansang nakilahok sa digmaan: Rusya, Pasipiko, Hilagang Aprika, Mediteraneo, Balkan, Kanlurang Europa, at Timog-Silangang Asya. Sa digmaang ito, naging pangunahing paraan ng pakikialban ang pambobomba ng mga eroplano. Gumamit naman ng ROCKET MISSILES ang mga Aleman. Sa pagtatapos ng digmaan, unang ginamit ang kasumpa-sumpang teknikal na inobasyon – ang bomba atomika. Agosto 6 – 9, 1945 – ibinagsak ito sa Hiroshima at sa Nagasakiat kumitil sa tinatayang higit sa 30,000 Hapones sa loob lamang ng limang minuto. Ganap na nakontrol ng Alemanya ang himpapawid sa pamamagitan ng puwersang LUFTWAFFE (ang pinakamalaking hukbo sa daigdig). Ang PANZER DIVISIONna gumagamit ng mga tangke aynapakabilis – ang kanilang mabilisang pagsalakay na tinatawag na BLITZKRIEG. Nabuo ang isang samahang pandaigdig na maaaring makapigil sa digmaan – ang UNITED NATIONS (UN), na siyang pumalit sa LEAGUE OF NATIONS. ADHIKAIN NG UNITED NATIONS: 1. Pagpapaunti ng panganib ng digmaan 2. Perpeksiyon ng demokrasya sa bawat posibleng estado 3. Proteksiyon at pagpapaunlad ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig 4. Pagtatamo ng posibleng pinakamataas na antas ng pang-ekonomiyang kasaganaan at seguridad ng indibidwal sa lahat ng bansa 5. Kooperasyon pang-ekonomiya ng mga bansa 2 pangkat na namumuno sa Japan: 1. INDUSTRIYALISTANG ZAIBATSU – binubuo ng mga industriyal at pinansiyal na magangalakal sa Japan na may malaking impluwensiya sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa. 2. ULTRANASYONALISTANG HAPONES – militaristang lider na naniniwala na kailangan ng Japan na manakop ng mga lupain upang mabuhay. 1920 – ang Japan ay isa nang demokratikong bansa. Ito ay lumagda sa isang pandaigdigang kasunduan ng paggalang sa hangganan ng Tsina. Lumagda rin ito sa KELLOG-BRIAND PACT –