Bakit kinailangang tumira Ang mga unang Pilipino sa tabing ilog at dagat?
Share
Bakit kinailangang tumira Ang mga unang Pilipino sa tabing ilog at dagat?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Kinailangan nilang manirahan sa tabing ilog at dagat dahil nandito ang kanilang mga kailangan para mabuhay at makapag hanapbuhay sa panghuhuli ng mga isda
Explanation:
I hope it helps :)
✨ANSWER
Bakit kinailangang tumira Ang mga unang Pilipino sa tabing ilog at dagat?
_________________________________________
Ang mga unang Pilipino na nakatira sa tabi ng ilog at dagat ay
pangingisda ang ikinabubuhay. Nakahuhuli sila rito ng iba’t-ibang uri ng isda.
Karaniwang ginagamit nila ang sibat, salakab, bingwit, buslo at lambat. Bukod
sa panghuhuli ng isda, ang mga unang Pilipino ay nanguha rin ng mga kabibi at
halamang dagat, ang iba naman ay nanisid ng perlas. Ginamit nila itong pamalit
sa mga kalakal ng mga mandarayuhang Tsino, Hapon at Arabe.
Ginagamit din ng mga unang Pilipino ang mga ilog at dagat bilang
daungan.
Sa ngayon ang Maynila, Cebu at Butuan sa Mindanao ang sentro ng
kalakalan sa tabi ng dagat.
Ang malawak na kapatagan ay ginagamit ng mga unang Pilipino sa
pagsasaka. Binungkal nila ang lupa sa pamamagitan ng araro at suyod na hila-
hila ng kalabaw. Unti-unting umunlad ang paraan ng kanilang pagsasaka.
Sa lawak ng lupain, nagtanim sila ng halamang-ugat tulad ng kamote,
gabi at ube, bukod sa mga gulay.
Ang mga taga-lambak tulad ng mga Bisaya at Ilokano ay nagtanim ng
tubo, niyog, abaka, bulak at saging. May mga tanim ring punongkahoy tulad ng
mangga, langka, santol, papaya, bayabas, sampalok at iba’t-ibang uri ng
kawayan.
Sa kabundukan sa Banawe, gumawa ang mga Ifugao ng hagdang-
hagdang taniman.
Ang tanim na bulak ng mga ninuno ay isa sa mahalagang tanim. Hinabi
nila ang bulak at ginamit nila sa paggawa ng mga kasuotan.
꧁------------