Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos?
Share
Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Depende sa relihiyon, ang pananampalataya ay isang paniniwala sa isang diyos o mga diyos o sa mga doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon. Ang hindi pormal na paggamit ng pananamapalataya ay maaaring kabilangan ng pagtitiwala o paniniwala ng walang patunay o pruweba. Ang pananampalataya ay kadalasang hinahalili para sa "pag-asa", "pagtitiwala" o "paniniwala". Ang ilang mga hindi mananampalataya ng isang pananampalataya ay pangatwirang ang pananampalataya ay salungat sa katwiran. Salungat dito, ang ilang mga mananampalataya ng pananampalataya ay nangatwirang ang angkop na sakop ng pananampalataya ay nauukol sa mga tanong na hindi malulutas ng pebidenensiya. Ito ay hinahalimbawa ng mga saloobin tungkol sa hinaharap na sa depinisyon ay hindi pa nangyayari.
May malawak na spektrum ng opinyon na nauukol sa balidad na epistemolohikal ng pananampalataya. Sa isang kasukdulan ay ang positibismong lohikal na tumatanggi sa balidad ng anumang mga paniniwala sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa kabilang kasukdulan ang fideismo na naniniwalang ang tunay na paniniwala ay umaahon lamang mula sa pananampalataya dahil ang katwiran at ebidensiyang pisikal ay hindi humahantong sa katotohanan. Ang ilang mga pundasyonalista gaya nina Agustino ng Hipona ay naniniwalang ang lahat ng mga paniniwala ay huling nakasalig sa mga paniniwalang tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang iba gaya nina C.S. Lewis ay naniwalang ang pananampalataya ay isa lamang birtud kung saan ay pinanghahawakan ang mga may katwirang ideya sa kabila ng mga saloobin na salungat dito.[1] Ang pundasyonalismo ay naniniwalang ang lahat ng kaalaman at makatwirang paniniwala ay huling nakasalig sa mga angkop na pundamental na paniniwala. Ang posisyong ito ay nilayon upang lutasin ang problemang walang hanggang regreso sa epistemolohiya. Ang epistomolohiyang nireporma ay isang pananaw tungkol sa epistemolohiya ng paniniwalang panrelihiyon na naniniwalang ang paniniwala sa Diyos ay maaaring angkop basiko. Ang mga pilosopong nito ay nag-aangkin na ang indibidwal ay maaaring makatwirang maniwala sa diyos kahit ang indibidwal na ito ay hindi nag-aangkin ng sapat na ebidensiya upang hikayatin ang agnostiko na maniwala. Ang isang pagkakaiba sa pagitan ng nirepormang epistemolohiya at fideismo ay ang una ay nangangailangan ng pagtatanggol laban sa mga alam na pagtutuol samantalang ang huli ay nagtatakwil sa mga gayong pagtutol bilang hindi mahalaga.
Conclusion:
#Hope Its Help
#CarryOnLearning
#KeepOnLearning
#CarryOnLearning