bakit mahalaga ang talon na ito para sa Mindanao?
Share
bakit mahalaga ang talon na ito para sa Mindanao?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
ANG Mindanao
Ay pumapangalawa sa pinakamalaking isla sa pilipinas.Ito ay tinaguriang “Land of promise.” Dito rin matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa pilipinas, ang Mount Apo na tinaguriang “Grandfather of Philippine Mountains.” Matatagpuan ito sa pagitan ng Davao City, Davao del Sur at Cotabato Provinces. Hindi lang ang Luzon at Visayas ang sagana sa magagandang tanawin, kundi pati na rin ang Mindanao. Ito ay ang tahanan ng mga bundok, kweba, sapa, talon at ilog. Kaya naman sa mga taong gustong magliwaliw at mahilig mamasyal, narito ang ilan sa mga pinaka tanyag na tanawin sa mindanao na dapat niyong mapuntahan.
LAKE SEBU
Kabilang sa mga top tourist destination. Isa sa tourist attraction ng Lake Sebu ay ang “Seven Falls Zipline” na makikita ang top view ng tatlo sa pitong talon ng siyudad. Ang Lake Sebu rin ang nagsusuplay ng irigasyon sa Cotabato, Mindanao, Philippines.
NAKED ISLAND
Ito ay isang isla kung saan wala kang makikitang mga puno kundi malinaw na tubig at puting buhangin lamang. Ito ang pinakamagandang lugar para lumangoy, ngunit inaasahan namang napakainit ng lugar dahil wala kang masisilungan. Kaya huwag kalimutang magdala ng sunblock. Matatagpuan ang Naked Island sa tinaguriang “Surfing Capital of the Philippines.” ang Siargao, Surigao Del Norte, Mindanao.
“NAKED ISLAND”
SIARGAO ISLAND
Isa sa pinakasikat na tourist spot sa Mindanao pagdating sa surfing. Ang mga surfers ay nagmula pa sa Hawaii at Australia, dumayo rito upang subukan ang swerte sa sikat na surf ng Siargao ang Cloud Nine. Ang Cloud Nine Wave ng Siargao ay isa sa pinakamatinding alon na iyong masasakyan.
“SIARGAO ISLAND”
ILIGAN CITY
Kung komersyo at turismo ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang Iligan City. Dito matatagpuan ang mahigit na 20 talon sa loob at paligid ng lungsod. Ang pinakasikat na talon sa Iligan City ay ang Maria Cristina Falls, na pinakamataas na talon sa Pilipinas at isa sa mga pinagmumulan ng elektrisidad ng lungsod. Ang isa pang sikat na talon dito ay ang Tinago Falls.
CAMIGUIN ISLAND
Tinaguriang “Island Born of Fire” dahil dito matatagpuan ang pitong bulkan kabilang ang pinakasikat na Hibok Hibok Volcano. Kilala ang Camiguin sa napakatamis na Mambajao Lanzones at napakasarap na pastel. Marami ring matatagpuang mga white sand beaches, cold at hot slrings at ilang mga waterfalls. Ang pimakatanyag na tourist spot sa Camiguin ay ang Sunken Cemetery. Ang Sunken Cemetery ay isang sementeryong bahagi ng lupain na sinakop ng dagat matapos ang pagputok ng Bulkan Daan noong 1871. Sa kasalukuyan ginagawa nang isang dive at snorkeling site para sa mga turista at divers.
DAVAO CITY
Isa sa mga pinakamaunlad at urbanisadong lungsod ng Mindanao. Dito matatagpuan ang Eden Nature Park kung saan napakagandang lugar para sa mga nature lovers at mahilig sa outdoor activities. Pwedeng subukan ang mga tourist attractions gaya ng cable cycling, zipline, horseback riding at iba pa. Samahan pa ng napakalamig na klima na bumabalot sa buong parke na nagbibigay ng relaxing na pakiramdam. Matatagpuan ang Eden Nature Park sa Toril, Davao City. Isa sa mga pinupuntahan din ng karamihan ay ang Philippine Eagle Foundation at Davao Crocodile Park. Ang mga nasabing lugar ay isa sa mga paboritong puntahan lalo na sa mga nagsasagawa ng educational field trip sa katimugang bahagi ng Pinas. Ang pinakamagandang panahon para bumisita sa lungsod ay tuwing buwan ng Agosto dahil dito idinaraos ang taunang Kadayawan Festival na nagbibigay saya, kulay at sigla sa siyudad ng Davao.
“KADAYAWAN FESTIVAL” IN DAVAO CITY
Mahalaga ang pagbisita at pagpasyal sa iba’t ibang lugar dahil ito ay nakakabawas ng stress na nakakatulong upang mabawasan ang mga karamdaman dulot ng stress at depression. Nakakadagdag din ng kaalaman ang pagpasyal sa iba’t ibang lugar dahil dito marami kang taong makikilala, maraming bagay na masusubukan, lenngwahe at kultura ng isang lugar at ang kahalagahan ng buhay.
Explanation: