bakit mahalaga na alam ng tao ang kayang mga karapatan?
Home
/
bakit mahalaga na alam ng tao ang kayang mga karapatan?
bakit mahalaga na alam ng tao ang kayang mga karapatan?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Dahilan kung bakit mahalaganç malaman ng isang tao ang kanyang mga karapatan
Mahalagang malaman o matuklasan ng isang tao ang kanyang mga karapatan dahil ang karapatan ay katumbas na ng buhay ng isang tao, ito ay nararapat na matamasa ng isang mamamayan ng lipunan bilang kasapi nito at higit sa lahat ang mga karapatan ang magliligtas at makakatulong sa tao upang mamuhay ng payapa at may kabuluhan.
Ang ating mga karapatan ay mga bagay o gawaing ipinagkaloob sa isang tao na maaari niyang gawin habang siya ay nabubuhay. Kung ating iisipin ay isang bagay na libre, na hindi kailangang bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait.
Upang magkaroon ng kabuluhan ang ating mga karapatan, gamitin natin ito ng naayon at tama, pahalagahan natin ang mga karapatang ating tinatamasa at maayos nating isabuhay ang lahat