Bakit mahalagang maipakita ang mga angkop na kilos ng pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
Share
Bakit mahalagang maipakita ang mga angkop na kilos ng pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Mahalaga ang pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sila ang mas may alam ng mga bagay-bagay kaya sila nasa kanilang katayuan ngayon. Tanda rin ito ng paggalang at pagbibigay respeto sa kanila na mabuting kaugalian ng mga Pilipino. Isa-isahin natin ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAGSUNOD SA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORIDAD
Ang mga magulang, bago pa naging magulang ay naging mga kabataan din na puno ng pangaral ng kanilang magulang dati. Maaaring matagumpay sila sa buhay o hindi, pero iisa ang katotohanan tungkol sa kanila. Lahat sila ay natuto sa nakaraan kaya sila ay mga magulang ngayon na magpapasa ng kanilang natututunan sa mga anak.
Ang nakatatanda ika nga ay nauna sa duyan. Mas mahaba na ang panahong kanilang itinira sa mundo. Samakatuwid, mas marami na rin silang natutunan sa mundo. Kung sila ay nagtagumpay, masaya nila itong ibinabahagi sa mga kabataan upang magtagumpay rin ang mga ito. Kung ang mga nakatatanda namang ito ay nabigo sa buhay, gagamitin nila ang natutunang leksiyon upang bigyang babala ang mga kabataan na huwag matulad sa kanila.
Ang mga awtoridad naman ay nasa posisyon upang sundin. Itinalaga sila ng mga namumuno sa gobyerno para sa kanilang trabaho. Alam nila ang batas at ang mga karampatang parusa sa paglabag. Sila ‘yung mga taong sinanay para ipalaam sa mga tao ang batas at kung paano ang tamang pagsunod. Kaya mas magiging ligtas tayo kung sundin natin sila. Ito ay sapagkat pinag-aralan nila ang kanilang gawain at dumaan sila sa pagsasanay upang maging karapat-dapat.
POSIBLENG KAHIHINATNAN KUNG HINDI SUMUNOD SA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORIDAD
mapariwara sa buhay
mabuntis o makabuntis ng maaga
hindi makapagtapos ng pag-aaral
maging tambay
mabigo ang pangarap
walang direksiyon ang buhay
wala nang mag-aabalang mangaral
walang maibabahagi sa mga anak
makulong
mamatay
Answer:
Ang pagpapakita nga angkot na kilos ng pagsunod sa magulang,nakatatanda, at may awtoridad ay mahalaga dahil ito ay nagpapakita ng paggalang sa isang mong kapwa ko tao
Explanation:
sana po makatulong ARAL NG MABUTI