bakit mahalagang panatilihing bukas ang komunikasyon??
Share
bakit mahalagang panatilihing bukas ang komunikasyon??
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Komunikasyon
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema o mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues na maaring berbal o di-berbal .
Kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pamilya
Ang isang pamilyang may bukas na komunikasyon ay nagkakaroon ng magandang ugnayan na nagiging dahilan ng kanilang pagkkabuklod. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at magandang ugnayan ay ay paraan upang ang bawat kasapi ng pamilya ay magkaunawaan at magkaintidihan. Isa rin itong paraan upang malayang maipahayag ang saloobin at nararamdaman ng bawat kasapi ng pamilya.
Ang isang pamilyang may bukas na komunikasyon ay nagkakaroon din ng pagkakasundo at nagkakaisa ay makakaiwas sa anumang away, kaguluhan, panganib at hindi pagkakaunawaan. Kung ang isang pamilya ay may malawak na pagkakaunawaan at pagkakaintindihan, magiging bukas ang kanilang isipan sa mga problema ng bawat isa at madaling masosolusyonan ang lahat ng ito ng magkakasama.
Kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pakikipag-kapwa
Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay nagkakaroon ng isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa na nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan ng loob sa isang tao.
Ang bukas na komunikasyon at pakikipag-ugnayan ay nangangailangan ng pagsisikap upang ito ay mabuo, mapatatag, at mapanatiling makabuluhan at mabuti.
Nakasalalay ang tagumpay nito sa kakayahan ng taong ibahagi ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggalang, pagmamalasakit, pagtulong at paglilingkod sa kapwa.
Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa kapwa ay paraan upang ang dalawang tao ay magkaintindihan at magkaunawaan.
Answer:
• Ang Komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang inisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.
• Maging ang katahimikan ay may ipinahihiwatig. • Nagpapahayag tayo hindi lamang sa pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi maging sa kung sino tayo at paano tayo namumuhay.
• Mahalaga sa atin ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
• Sa pamamagitan ng Komunikasyon ,naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa.
• Ang Komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di- pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito.
• Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahan na magbibigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa.
• Hindi nakapagtataka na ang hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay nagiging sanhi ng hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito.
• Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon.
• Ang pamilya ay nahaharap sa maraming pagbabago.
• Ang mga pagbabagong ito ay nakaaapekto sa daloy ng komunikasyon at sa uri ng ugnayan ng mga kasapi ng pamilya.
• Ang ilan ay mga positibong pagbabago at ang ilan naman ay mga hamong kailangang malampasan nito.
• Ilan sa mga positibong pagbabago ay ang pagkakaroon ng mga kasapi nito ng kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan bilang tao, kamalayan tungkol sa kanilang pakikipagkapwa, mapanagutang pagmamagulang,
• Ang ilan naman sa mga negatibo ay negatibo ay ang entitlement mentality, kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda, ang mga kahirapan sa pagsasalin ng pagpapahalaga, ang legal na paghihiwalay ng mga mag- asawa o pagsasawalang bisa ng matrimonya ng kasal, pagpapalaglag, at kahirapan o kasalatan sa buhay.
• Nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong ito sa pamilya sa labis na materyalismo at pangingibabaw ng paghahangad sa panariling kapakanan bago ang pamilya.
• Natural lamang na kung sira ang ugnayan sa pamilya, sira rin ang komunikasyon at gayon din naman kung sira ang komunikasyon ay sira rin ang ugnayan ng pamilya.
• Ang pinkamabisang tugon dito ay ang pag unawa sa tunay na kahulugan ng komunikasyon sa pagitan ng tao.
• Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay tintawag ni Martin Buber na “Diyalogo”
• Ang tunay na diyalogo ay hindi lamang pag-uusap o pakikipagtalastasan. Hindi ito tulad ng teknikal na pakahulugan dito.
• Hindi ito pakikipagkasundo o pakikipagpalitan ng impormasyon upang makumbinsi ang kapwa na magkaroon ng katulad na pananaw.