Bakit nasabing ang pagiging iresponsable sa bahay ay hindi nag papakita ng tunay na kalayaan?
Share
Bakit nasabing ang pagiging iresponsable sa bahay ay hindi nag papakita ng tunay na kalayaan?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mga Responsibilidad ng mga Magulang
Ano ang magkatuwang na mga responsibilidad ng mga mag-asawa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak?
Ang bawat tao ay may mahalagang bahagi sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng mga propeta ipinaliwanag ng Panginoon kung ano ang dapat maging asal at damdamin sa isa’t isa ng mga ama, ina, at mga anak. Bilang mga mag-asawa at mga anak, kailangan nating malaman kung ano ang inaasahan ng Panginoon na gagawin natin upang magampanan ang ating layunin bilang isang pamilya. Kung gagampanan nating lahat ang ating bahagi, walang hanggan tayong magkakasama-sama.
Sa mga banal na tungkulin ng pagiging magulang, “ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” 35602 893). Dapat silang magtulungan upang matustusan ang espirituwal, emosyonal, intelektuwal, at pisikal na mga pangangailangan ng pamilya.
Mga Responsibilidad ng Ama
Anong magagandang halimbawa ang nakita ninyo sa mga amang nagpapalaki ng kanilang mga anak?
“Sa plano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pagmamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan ng mga pangangailangan sa buhay at kaligtasan ng kanilang mga mag-anak” (35602 893). Ang isang karapat-dapat na ama na miyembro ng Simbahan ay may pagkakataong magtaglay ng priesthood, kaya’t siya ang nagiging lider ng priesthood sa kanyang pamilya. Dapat niyang gabayan ang kanyang pamilya nang may pagpapakumbaba at kabaitan sa halip na gumamit ng puwersa o kalupitan. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na dapat akayin ng mga maytaglay ng priesthood ang iba sa pamamagitan ng pagpapahinuhod, kahinahunan, pagmamahal, at kabaitan.
Mga Responsibilidad ng Ina
Anong magagandang halimbawa ang nakita ninyo sa mga ina na nagpapalaki ng kanilang mga anak?
Sinabi ni Pangulong David O. McKay na ang pagiging ina ang pinakamarangal na katungkulan (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: David O. McKay [2003], 178). Ito ay sagradong tungkulin, isang pakikipagtuwang sa Diyos sa pagluluwal ng Kanyang mga espiritung anak sa mundo. Ang pagsisilang ng mga anak ay isa sa mga pinakadakila sa lahat ng mga pagpapala. Kung walang ama sa tahanan, ang ina ang namumuno sa pamilya.
Pinuri ni Pangulong Boyd K. Packer ang kababaihan na hindi nagkaroon ng sarili nilang mga anak ngunit sinikap na alagaan ang mga anak ng iba. Sabi niya: “Kapag binabanggit ko ang tungkol sa mga ina, hindi lamang ang mga babaing nagsilang ng mga anak ang tinutukoy ko, kundi ang mga ina rin na nag-alaga ng mga anak ng iba, at ang maraming kababaihan na, dahil walang sariling mga anak, ay naging ina sa mga anak ng ibang tao” (Mothers [1977], 8).
Itinuro ng mga propeta sa mga Huling Araw na, “Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga ng kanilang mga anak” (35602 893). Kailangang pag-ukulan ng oras ng ina ang kanyang mga anak at ituro sa kanila ang ebanghelyo. Dapat siyang makipaglaro sa kanila at gumawang kasama nila upang matuklasan nila ang mundo sa paligid nila. Kailangan din niyang tulungan ang kanyang pamilya na matutuhang gawing kaaya-ayang tirahan ang tahanan. Kung siya ay malambing at mapagmahal, tinutulungan niya ang kanyang mga anak na magkaroon ng mabuting pakiramdam sa kanilang sarili.
Inilalarawan ng Aklat ni Mormon ang isang grupo ng 2,000 kabataan na naging dakila dahil sa mga turo ng kanilang mga ina (tingnan sa Alma 53:16–23). Sa pamumuno ni propetang Helaman, nakipagdigma sila sa kanilang mga kaaway. Mula sa kanilang mga ina ay natuto silang maging tapat, matapang, at mapagkakatiwalaan. Itinuro din sa kanila