Balikan Sa iyong sagutang papel, bumuo ng isang kahon at itala sa loob ang mga pangungusap mula sa teksto ayon sa wastong pagkasunud-sunod ng mga pangyayari upang makabuo ng isang talata. Ang Punong Niyog Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na panggatong ang katawan nito. Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming pinaggagamitan Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis, at mga kagamitang pambubong. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ay nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan. Ang bunga ay pinakamahalagang bahagi nito. Mula naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis at makagawa ng kendi at gamot.
Share
Answer mo:
Ang Punong Niyog
Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na panggatong ang katawan nito. Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis, at mga kagamitang pambubong. Ang bunga ay pinakamahalagang bahagi nito. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ay nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan.
Mula naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis at makagawa ng kendi at gamot.
Explanation:
Ang haba answer moyan