Baryo Salawao
ni Cresencio P. Din payan Jr.
Noong unang panahon sa tahimik na baryo.may nakatirang mag asawa
na sina Sala at Wao. Sampung taon na silang nakatira sa baryong iyon ngunit
hindi pa rin sila biniyayaan ng anak. Isang gabi ay may nagpakitang diwata
sa mag-asawa at tinanong sila kung gusto ba nilang magkaroon ng anak.
kagustuhang magkaroon ng anak.
Tumango na lamang ang dalawa na
3
Sa madilim na kagubatan ay natatanaw ng mag-asawa ang diwata.
Nangako itong bibiyayaan sila ng anak upang may makatulong sa kanila.
Isang mayamang lupain ang kanilang sinasaka. Malapit ito sa ilog na
pinagkukunan nila ng tubig na maiinom.
Nagkaroon ng dagok sa kanilang buhay dahil sa mga rebeldeng
nakaabot sa baryo. Buong tapang na lumaban si Sala upang maprotektahan
niya ang kaniyang asawa. Kinaumagahan ay lumayo ang mga rebelde.
Lumipas ang araw, buwan at mga taon, nagkaroon ng anak si Wao.
Masayang nakangiti si Sala dahil nagkaroon na sila ng anak na napakaganda.
Ngunit isa na namang trahedya ang kinaharap nila nang dumating na naman
ang mga rebelde para sakupin ang kanilang baryo. Pinatay nang walang takot
ang mag-asawa dahil sa pamamaril ng mga rebelde. Nang lumaon ay usap-
usapan sa kanilang baryo ang pangalan ng mag-asawang Sala at Wao
hanggang pinangalanan itong baryo Salawao.
Sagutin ang katanungan:
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
2. Ano ang pangako ng diwata sa mag-asawa?
3. Bakit nagkaroon ng dagok sa buhay ng mag-asawa?
4. Ano ang dahilan sa pagkamatay ng mag-asawa?
5. Paano nilabanan ni Sala ang mga rebelde?
Share
Answer:
1.) si SALA at si WAO
2.)BIBIGYAN SILA NG ANAK
3.)DAHIL SINALAKAY NG MGA RABELDE ANG KANILANG BARYO
4.)PINAGBABARIL NG MGA RAEBELDE
5.)Buong tapang na lumaban si Sala upang maprotektahan
niya ang kaniyang asawa.
Explanation:
#CARRYONLEARNING