Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali. _1. Ang ritmo ay elemento ng musika na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tono upang makabuo ng isang ideya.
_2. Ang scale ay pangkat ng mga nota na nakaayos mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na nota.
_3. Ang diatonic scale ay binubuo ng limang tono na kinabibilangan ng mga pantig na so-fa tulad ng do, re, mi, so, at la.
_4. Tinatawag na pentatonic ang scale na binuobuo ng limang tono lamang.
_5. Ang C Major ay walang sharp o flat na note.
_6. Ang F Major scale ay may isang flat na matatagpuan sa pitch na B.
_7. Ang G Major scale ay may pitong nota.
_8. Ang melody ay binubuo ng ibat ibang note at tono na sunod-sunod at maayos na pinagsama-sama upang makabuo ng kaaya-ayang tunog.
_9. Ang musika ay nalilikha sa pamamagitan nang maayos na paglalapat ng mga nota.
_10.Ang iskultor ay nakalilikha ng isang awitin.
Share
0 Replies