BASAHIN AT INTINDIHIN
Buod ng Mariang Makiling
Si Mariang Makiling ay isang diwata na mayroong magandang mukha, mahabang buhok, at mabuting kalooban. Kahit isa siyang makapangyarihang diwata ay nakikihalubilo pa rin siya sa mga mortal. Madalas siya nagtutungo sa palengke upang mamili ng pagkain. Dito ay nakilala niya ang isang magsasakang mortal. Naging kaibigan niya ito at kalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob at nag-ibigan. Lagi siyang dinadalaw ng lalaki sa kabundukan at doon sila namamasyal. Habang abala si Maria sa kaniyang minamahal ay panay naman ang kinuha ng ilang mortal ng kaniyang mga prutas at gulay na nagiging ginto. Batid ni Maria ang ginagawa ng mga tao ngunit pinalampas niya ito dahil sa kaniyang minamahal. Isang araw, isang opisyal ang dumating sa bayan at sinabing gagawing sundalo ang lahat ng kalalakihang wala pang asawa at ipadadala sa digmaan. Upang makaiwas sa responsibilidad, ninais ng lalaki na ikasal sa isang mortal na babae. Sinabi niya ito kay Maria na labis namang nagdamdam. Natuloy ang kasal ng lalaki ngunit kinagabihan ay umulan nang malakas na sinundan pa ng isang lindol. Nayanig ang lupa at nawala ang mahihiwagang puno ni Maria. Hindi na rin nakita pa si Maria ng mga mortal at hindi na rin maakyat ang kaniyang kabundukan. Nawala na ang biyayang hatid sa kanila ni Maria.
Share
Answer:
Isa ito sa mga magandang kwento. Maraming aral na matututunan, mga asal dapat pahalagahan at gawing inspiration lalo na ngayong nagbabago na ang mga kaugalian at mga kinakaabalahan ng mga tao. Masasabi ko lang na si Maria Makiling ay isa sa mga magandang modelo na gayahin kasi maganda at kahanga hanga ang kanyang ugali. Sa mga manliligaw niya mali na magalit ang mga lalaki na hindi niya nagustuhan. Igalang na lang nila dapat ang desisyon ng babae para hindi na magdulot ng anumang problema. Mali ang gumawa ng masama para lang maging masaya at dapat huwag ding abusuhin ang kabaitan ng isang tao dahil maaaring ikaw ay mas lalo pang masaktan at lumaki pa ang problema. Ang natutunan ko sa kwentong ito ay ang dapat igalang ang desisyon ng isang tao at ito’y pahalagahan para maiwasan ang anu mang karahasan at kaguluhan. Huwag din nating tularan ang mga tao na gumagawa ng masama para sa kanilang pang sariling hangarin.
Explanation:
hope it helps