Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1) Ano ang tatlong magkakasunod na bilang na may kabuuang
2042
2) Si Linda ay may perang katumbas na dobleng halaga ng pera
ni Lito. Kung daragdagan ng piso (Php 1.00) ang pinagsamang
pera nila, ito ang magiging isang daang piso (Php 100.00).
Magkano ang pera ni Lito at ni Linda?
3) Ang isang lapis at isang bolpen ay nagkakahalaga ng Php 27.00.
Ang isang bolpen at isang pentelpen ay nagkakahalaga ng
Php 50.00. Ang isang lapis at isang pentelpen ay
nagkakahalaga ng Php 47.00. Magkano ang halaga ng bawat
isa?
4) Si Andeng at Budeng ay magkapatid. Si Andeng ang panganay
at si Budeng naman ang bunso. Sa kasalukuyan ay mas
matanda si Andeng kaysa kay Budeng ng tatlong taon. Sa
susunod na taon ang edad ni Andeng ay doble ang edad ni
Budeng. Ilang taon ang magkapatid sa kasalukuyan?
5) May limang alagang hayop si Mang Edong. Ang iba ay manok
at ang iba ay kambing. May kabuuang 14 na paa ang mga
alagang hayop. Ilan ang manok at ilan ang kambing?
Share
Answer:
ano Po bang subject Yan tapos ano na Po bang grade mo?