Basahin at unawain ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Pagwaksi sa Maling Gawain
Palaging puyat si Liza. Nagpupuyat siya sa paglalaro ng mga online games at pagbisita sa iba't-
ibang social media network kung saan siya nakarehistro. Lagi siyang updated sa mga nangyayari
sa internet.
Dahil dito, tanghali na siya nagigising at palaging nagmamadali sa pagpasok sa paaralan. Hindi
siya kumakain ng almusal para lang hindi siya mahuli sa kaniyang klase. Madalas ay inaantok
siya sa klase. Nagiging sumpungin din siya. Wala siyang ganang ngumiti kapag binabati siya ng
kaniyang mga kaklase. Dahil hindi siya nakapag-aaral sa bahay, humihina ang kaniyang
performance sa klase.
Isang araw, masakit na masakit ang tiyan niya. Sa sobrang sakit, akala niya ay mamamatay na
siya. Buti na lang, agad siyang dinala ng kaniyang mga magulang sa ospital. Doon nalaman na
mayroon siyang ulcer. Doon ay napagtanto niya ang kaniyang masamang nakaugalian. Kaya
mula noon, nangako siyang magbabago na.
Mga tanong
1. Ayon sa kuwento, ano ang hindi magandang nakaugalian ni Liza?
2. Bakit laging nagpupuyat si Liza?
3. Ano ang naging epekto ng nakaugalian niyang ito sa kanyang kalusugan?
4. Ito ba ay nagpapakita ng pagpapasalamat niya sa Diyos sa buhay na ibinigay sa kanya? Bakit?
nonsense - reportnonsense−report
Share
Answer:
1.Palaging puyat,hindi kumakain ng umagahan at hindi sya nakikipagkaibigan
2.Dahil sa parating paglalaro ng online game at pagbisita sa iba't ibang social media network
3.Dahil sa palaging pagpupuyat,nagkaroon siya ng sakit na ulcer
4.Hindi, dahil hindi niya pinapahalagahan ang kanyang kalusugan at pag aaral
Explanation:
HOPE IT HELPS
GOD BLESS YOU AND STAY SAFE
PAKI BRAINLIEST NA LNG PO KUNG TAMA
*TYSM*