Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba, suriin kung sa Tsino, Arabe, Hindu at Espanyol
nagmula ang mga kaugalian, paniniwala, panitikan at sining na naging impluwensya ng mga ito
at naging bahagi na ng ating kultura. Isulat sa patlang ang wastong sagot.
___________ 1. Ang pagbilang, pagsasalita, paggamit ng kalendaryo at salitang sulat na Salamat at
alamat ay ilan sa mga natutuhan ng mga Pilipino sa bansang ito.
___________ 2. Mga kaugalian sa kasal tulad ng paggamit ng belo at kurdon, pagsabog ng bigas at
pagbibigay dote.
___________ 3. Ang paggalang sa mga matatanda, pagbubuklod ng pamilya, pakikipagkasundo ng mga
anak upang makapag-asawa at pagkakaroon ng tagapamagitan sa pamamanhikan.
___________ 4. Paniniwala sa “karma”mula sa salitang Sanskrit na anumang bagay na ginawa mo sa
iyong kapwa maganda man o masama babalik ito sa iyo sa tamang panahon.
___________ 5. Ang paniniwala tungkol sa pag-aasawa at buhay may pamilya, ang asawang lalaki at babae
ay pantay na magkabiyak sa loob ng pamilya at pagganap sa magkaibang papel.
___________ 6. Ang bahay na bato na isang uri ng gusali o tahanan na ang arkitektura ay tulad ng bahay
kubo na gawa sa nipa o yero ang bubong may ventanillas,at poste na gawa sa troso.
___________ 7. Mga kuwento, pabula tulad ng “Si Pagong at Si Matsing” at epikong Darangen, Ibalon ay
naging impluwensya sa ating panitikan ng kulturang Pilipino.
___________ 8. Ang paggamit ng mga instrumentong musical tulad ng “Kulintang” at “kudyapi” na naging
ambag ng mga dayuhan sa ating kultura sa larangan ng musika.
___________ 9. Ang pagsuot ng mga Pilipino ng “camisa de chino”, maluluwang na damit at ilang
paniniwala ng pagsusuot ng puting damit ng pagluluksa.
___________ 10. Ang “Sarimanok”na kumakatawan sa mayamang sining ng mga Maranao na sumisimbolo
ng kasaganaan at ang “Singkil na isang tanyag na sayaw sa mga pagdiriwang.
Share
Answer:
1.espanyol
2.arabe
3.tsino
4.hindu
Explanation:
sorry,ito lang po,Ang haba po kasi
hope this helps