Basahin at unawain ang mga suliranin sa ibaba.
Suliranin 1
Si Mica at Jova ay nanunuod sa DepEd TV ng kanilang aralin sa ika-
apat na markahan sa Mathematics. Ang DepEd TV ay programa kung saan
maaaring mapanuod ang mga aralin. Nanunuod sila ng 3:00 ng hapon
hanggang 4:30 ng hapon. Pagkatapos nilang manuod ay tumulong sila sa
mga gawaing bahay. Ilang oras at minuto silang nanunuod sa isang araw?
Mga tanong:
1. Sinu-sino ang nanunuod sa DepEd TV ng kanilang aralin?
2. Anong oras sila nagsimulang manood ng programa?
3. Anong oras natapos ang kanilang pinapanood sa telebisyon?
4. Ilang oras at minuto silang nanonood ng kanilang aralin sa TV?
5. Ano ang magandang naidudulot ng panunood sa DepEd TV ng iyong
aralin?
Share
Answer:
1. Si mica at Jova
2. 3:00 ng hapon
3. 4:30 ng hapon
4. 1 oras at 30 minuto
5. Nakatutulong ito upang mas lalong naiintindihan ng mga bata ang mga aralin