Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos ay isa-isahin ang mga
impormasyong inilahad gamit ang grapikong pantulong sa ibaba. Gawin ito sa
iyong sagutang papel
Bisaya ang tawag sa mga mamamayang Pilipinong ipinanganak at naninirahan
sa Kabisayaan at ilang bahagi ng Mindanao kung saan patuloy pa rin nilang kinikilala
at isinasagawa ang mga nakagisnang tradisyon sa ating bansa.
Kabilang dito ang pagdiriwang ng kapistahan ng iba’t ibang patron, pag-aalay
ng mga pagkain para sa mga namatay, paghahanda sa kaarawan ng mga yumao,
pagdaraos ng Santakrusan o Flores de Mayo, pagdalaw sa mga simbahan tuwing
Mahal na Araw, kasal muna bago magsama ang gustong mag-asawa, at wastong
pagdidisiplina ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Mayroon silang tatlong
dayalekto na ginagamit hanggang ngayon. Ang Hiligaynon sa kanluran, Bisaya o
Cebuano sa gitnang kabisayaan, at Waray naman sa silangang bahagi. Ang mga
Bisaya ay kilala sa pagiging relihiyoso, mapagkalinga at matulungin sa kapwa,
magalang, hindi nanghihimasok sa buhay ng iba, maalaga sa mga bisita, mapagmahal
sa kalikasan, at natural sa kanila ang pagiging positibo at masayahin. Ang
agrikultura, pangingisda, at pagkokopra ang pangunahin nilang ikinabubuhay.
Share
Answer:
maalaga, magalang, mapagmahal. matulungin, relihiyoso, at mapagkalinga.
<3 stay safe <3