basahin at unawain ang tula pagkatapos sumulat ng isang maikling paliwanag sa kung ano ang iyong naintindihan sa ibig sabihin nito.
Sadyang nakatataba ng puso
Ang pagtulong sa ating kapwa tao
Maliit man o malaking bagay
Di naghihintay ng anumang kapalit
Bukas sa kalooban at walang pumipilit
Pagkalauna'y di kalaunan
Ito'y kusang babalik ng lubusan
Di mo lang alam
Lubos ang saya ng iyong natulungan
Kahit sa napakaliit na pamamaraan
Ito ay nagdudulot sa iba ng kaginhawaan.
Share
Explanation:
Ang naintindihan ko sa tulang ito ay huwag tayo maghangad ng kapalit kapag tayo ay Tumutulong sa isang kapwa bagkus buong puso tayong tumulong ng walang pag aallinlangan ng sa gayon tayo ay pagpalain ng panginoon.
(sana makatulong!)