Basahin at unawain ang tula. sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Yamang Dunong at kalusugan
dunong at kalusugan ating yaman,
nararapat na pangalagaan,
huwag nating pabayaan,
ingatan at pahalagahan,
ano mang minana sa magulang,
walang tutumbas sa dunong at kalusugan,
Aanhin ang materyal na yamang kung sakit naman?
karunungan at kalusugan pagyamaning lubusan.
dunong at kalusugan, sandatang maituturing,
sa ano mang suliraning kakaharapin.
maging matatag sa anumang pasanin,
siya sa mithiin ay mararating.
1. Ano ang paksa ng binasang tula?
____________________________
2.Wno ang itinuturing na ating yaman ayon sa binasang tula?
____________________________
3.bakit ito itinuturing na yaman?
____________________________
4.bakit kailangan pakaingatan at pahalagahan ang dunong at kalusugan?
____________________________
5.ano ang dapat gawin sa ating yamang dunong at kalusugan?
____________________________
6.paano makakamit ang mithiin sa pamamagitan ng dunong at kalusugan?
____________________________
7.paano mo binigkas ang tula?
____________________________
8.paano mo si na lang alam sa inyo ng pagbasa ang wastong tono diin antala at damdamin ng tula?
____________________________
Share
1. Tungkol sa ating yaman ito ay dunong at kalusugan.
2. Ang dunong at kalusugan ay itinuturing na yaman.
3. Dahil ito ang dahilam kung bakit tayo matagumpay at maunlad sa ating buhay.
4. Dahil magagamit ito bilang sandata, sa mga suliranin na kinakaharap sa buhay.
5. Dapat natin itong ingatan at pangalagaan.
6. Gamitin ito at palaging isaisip bilang isang sandata ng ating buhay.
7. Binigkas ko ito na may pagmamahal.
8.