Basahin at unawaing mabuti ang iba’t-ibang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang iyong
interpretasyon patungkol sa suliraning kinakaharap ng bawat tauhan sa bawat bilang.
1. Si Edgar ay isang pulubi na nanghihingi ng pagkain sa mga tao sa kalsada. Isang araw humingi siya sa
isang taong sa isang tingin pa lang ay alam mo ng ito ay mayaman ngunit siya ay tinanggihan. Bago pa
makalayo ang taong iyon, agad na hinablot ni Edgar ang pitaka ng lalaki na kakukuha pa lamang niya sa
bulsa.
2. Si Rosa kasama ng kanyang apat na kapatid ay nasa kalinga ng kanyang mga kamag-anak dahil bata pa
lamang ay iniwan na sila ng kanilang mga magulang. Kalaunan ay pinaalis na sila ng kanilang tiyahin sa
poder nila kaya naman mag-isang tinataguyod ni Rosa ang kanyang apat na kapatid. Nagkaroon siya ng
trabaho at Malaki ang kita niya rito lalo na kung binibigyan siya ng tip ng mga lalaking gustong maangkin
ang kanyang pagkatao.
Marangya ang buhay ni Ressa. Nakukuha niya lahat ng kanyang mga kagustuhan. Kapag may bagong
usong gamit ay dapat ay mabili niya iyon. Hindi siya papayag na siya ay malamangan. Isang araw
kinausap siya ng kanyang mga magulang at sinabing lubog na sila sa utang at pinapaalis na sila sa
kanilang magandang bahay kaya naman namuhay sila sa masikip at maliit na bahay malapit sa ilog na
pagkarumi-rumi. Hindi ito nakayanan ni Ressa.
4. Si Ana ay kinaiinggitan ng lahat dahil siya ay matalino, maganda, at maraming talento. Lagi
siyang nangunguna sa klase pagdating sa mga magagandang bagay. Ipinagmamalaki siya ng
kanyang mga magulang maging mga kapitbahay kaya naman napakataas ng tingin niya sa
kanyang sarili. Isang araw usap-usapan siya sa kanilang lugar dahil unti-unting lumolobo ang
kanyang tiyan. Nakumpirma nila na si Ana ay nagdadalang-tao na. Halos gumuho ang mundo ni
Ressa maging ang kanyang mga magulang.
Share
Answer:
1.Nagagawa ng tao ang masamang gawain dahil sa hirap ng buhay, ngunit dapat din na tumulong tayo sa mga taong nangangailangan kung kaya naman talaga natin
2. Hindi kailanman magiging solusyon sa isang problema ang masamang gawain, bagamat ito ay magbibigay sa iyo ng kasiyahan at karangyaan ito ay magiging panandalian lamang
3. Una sa lahat di mo dapat hinuhusgahan ang isang tao mapa maganda man o d masyado matalino man o hirap sa buhay, lahat tayo ay nakakagawa ng pagkakamali kaya kung ano man ang nangyari kay Ana walang karapatan ang ibang taong husgahan siya
Explanation:
pa brainliest po plss