Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Bumuo ng limang (5) katanungan batay sa
nabasang kuwento gamitin ang mga panghalip na Ano, Alin,
Saan , Kailan, at Bakit
Alamat
ng Ilog Pasig
Payapa
ang gabi noon, nagniningning ang mga tala sa langit. Nagsisilbing ilaw ang
liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata’t dalaga ang nagpapalamig sa
simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan.
Napagkasiyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang
nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa
kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata. Masayang
nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may
napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak nakita ang
dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-abot
niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balanse at nahulog
ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat
paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan
siyang makaahon. “Paz sigueme! Paz, sigueme!” Ang salitang ito ay Kastila na
ang ibig sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng
dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay “Paz sig!” Hindi
na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa
pangyayaring ito ang ilog ay tinawag ng “Pasig” o Ilog Pasig.
Share
1.Ano ang nakagawiang gawin ng binatang kastila at ng mayuming dalaga kada bilug ang buwan?
2.Alin sa mga tauhang ito ang nagsasagwan?
3.Saan namamngka ang mga tauhan?
4.Kailan nawalan ng balanse ang bangka na sinsakyan ng binata at ng dalaga?
5.Bakit tinawag na Ilog Pasig ang ilog?