Basahin at unawaing mabuti ang tulang pinamagatan "pag ibig" ni jose corazon be jesus. gawan ito nag abstrak
Share
Basahin at unawaing mabuti ang tulang pinamagatan "pag ibig" ni jose corazon be jesus. gawan ito nag abstrak
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
PAGSUSURI SA TULANG PAG-IBIG
· Uri – Tulang Liriko
· Estropa – Kwatro
· Sukat – Kinseng Pantig
· Tugma – Katinig at Patinig
· Tono – Pagmamahal at Pagdurusa
PATUNAY NG TONO:
Pangkalahatang Pagpapaliwanag:
Ang pag-ibig ay isang bagay na maaaring magpaangat at magpabagsak sa atin. Ang paghihinagpis, pagtitiis at kilig ay ilan lamang sa mga emosyong ating madarama sa tuwing tayo’y umiibig. Sa kasalukuyang panahon, narami sa mga kabataan ay madaling umibig. Dala ng modernisasyon at makabagong teknolohiya madali na lamang ang pagkakaroon ng kasintahan o ng mga kasintahan. Ngunit ating tatandaan na kaakibat ng kasiyahan na ating nadarama dulot ng pag-ibig ay kalungkutan at pagtitiis lalo na kung magpapadala sa kapusukan at ninanais.
Ang realidad ng isang pag-ibig o pakikipagrelasyon ay hindi lamang puro kasiyahan. Ang pakikikagrelasyon ay isang responsibilidad na nangangailangan ng mataas na pasensya. Ito’y hindi lamang pagtanggap bagkus ito’y pagbibigay. Sa kasalukuyan, dahil sa pagiging mapangahas at kapusukan marami sa mga kabataan ang nahahantong sa pagkakaroon ng anak na walang kinagisnang ama (single mom). Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at pagkakaroon ng isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.
“Paghihinagpis”
Patunay:
“Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.”
Pagdulog Romantisismo
Paliwanag:
Ito’y nalalapatan ng pagdulog romantisismo dahil ang sentro ng emosyon nito ay pagkahapis. Bukod sa salitang luha na nagpapakita ng paghihinagpis, ang unang saknong partikular na sa una at ikalawang taludtod ay nagsasaad ng kalungkutan habang ginagawa ang isang liham.
“Kilig”
Patunay:
“Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.”
Paliwanag: Ipinapakita ng patunay sa ikalawang saknong ang kilig na nadarama. Dahil kapag umiibig ang isang tao palagi niyang iniisip ang kanyang minamahal at minsan ay biglang napapangiti na lamang. Hindi nito alam ang gagawin o dahilan ng nararamdaman sa tuwing nakikita ang kanyang sinisinta.
“Pagtitiis”
Patunay:
“Ang Pag-ibig ay may mata,
ang Pag-ibig ay di bulag
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak”
Paliwanag:
Kapag umibig ang isang tao ay nakahanda itong magsakripisyo, magpakumbaba at magparaya para sa kanyang minamahal. Minsan ang mga bagay na hindi niya kayang gawin ay kanyang nagagawa at ang pagtitiis na hindi niya kayang tiisin ay kanyang natitiis para sa kanyang minamahal.
“Pagmamahal sa kaibigan”
Patunay:
“Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!”
Paliwanag:
Ang ikawalong saknong ay nagsasaad ng pagmamahal sa isang kaibigan. Ipinapakita ng mga pahayag na ayaw nitong masaktan ang kanyang kaibigan kaya binibigyan niya ito ng payo tungkol sa babaeng kanyang sinisinta.
“Sakim/Makasarili”
Patunay:
“Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan —
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!”
Pagdulog Realismo
Patunay:
“Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!”
Paliwanag: Minsan kung umiibig ang isang tao ay nagiging makasarili, palagi nitong iniisip ang pansariling kapakanan, kung paano nito makakamtan ang ninanais at mga kagustuhan.
“Pagkalunod sa Pag-ibig”
Patunay:
“Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog!”
Paliwanag:
Sinasabing walang kumlawde sa pag-ibig. Kahit gaano pa ka intelektwal ang isang tao ay may mga pagkakataong hindi nito nagagamit ang kanyang dunong. Dahil sa pag-ibig na nadarama may mga taong hindi nakokontrol ang kanilang emosyon kahit alam nito na maaaring mali ang kahihinatnan ng kanilang ginawang desisyon.
“Mapangahas”
Patunay:
“Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna’t sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit”
Paliwanag:
Kapag umibig ang isang tao handa nitong suungin ang lahat ng hirap at kahit mga kaakibat na panganib nito. Minsan ay nakahandang magbuwis ng sariling buhay maprotektahan lamang ang kanyang minamahal.
Explanation:
CARRY ON LEARNING