Basahin mo ang kwento at pagkatapos ay sagutin sa iyong kuwaderno ang mga tanong.
Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang masaya siya sapagkat natapos niya ang kanyang proyektong parol. Katulong niya ang kaniyang buong pamilya sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang batang nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at nasira ito.
Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol. “Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,”himutok ni Carla. “Pasensiya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng batang nakasagi.“Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang nakasagi.
Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag sa guro kung bakit nasira ang parol. Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang bata sa pagbuo ng parol. Magkasama nila itong ipinasa sa guro at naging magkaibigan pa silang dalawa.
Mga Tanong:
1. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng nakasagi kay Carla? Bakit?
2. Tama din ba na tinanggap ni Carla ang paumanhin ng nakasagi sa kanya? Bakit?
3. Paano ipinakita ng batang nakasagi kay Carla ang kanyang pagsisisi sa nangyari?
Share
Answer:
1 tama Po kasi mag sorry Po tayo Kay Carla 2 tma Po tatananggapin ni Carla Yong paumanhin ng nakasagi sa kanya 3 tutolongan niya mabuo ulit Ang parol ni Carla.
Explanation:
sana makatulong Po
Answer:
1. Opo, dahil humingi din naman siya ng paumanhin at baka hindi lang naman niya sinasadya
2.Opo, Dahil mayroong din paraan para ayusin Ang mga nasirang bagay.
3?