Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ang Natatanging Kaalaman Ang Muy Hermosa ay isang pulong barangay na sakop ng bayan ng San Roque. Ang barangay na ito ay hindi pa naaabot ng elektrisidad. Ang tanging pinagkukunan lang nila ng pailaw ay ang pakikikabit sa generator na pag – aari ng kapitan ng barangay. Isang hapon, biglang hindi umandar ang generator dahil may isang piyesa na nakalas dito. Hindi na makakapunta pa si kapitan sa ibayo sapagkat dumidilim na at baka pagdating niya sa bayan ay sarado na ang mga tindahan doon ng piyesang kinakailangan niya. Isa sa anak ni kapitan, si Lyndon, ang nakaisip na gumawa ng isang simple circuit connection dahil nagtraining naman siya sa TESDA na may kinalaman sa elektrisidad. Sinubukan niyang gumawa nito. Dahil sadyang mapamaraan siya, nagawa niyang magkaroon ng ilaw ang kanilang tahanan. Laking tuwa ng kanyang mga nakababatang kapatid dahil hindi sila mangangapa sa dilim ng gabing iyon.
1. Ano ang suliranin ni Kapitan?
2. Paano ito nasolusyunan?
Share
Answer:
1. yung sa generator
2.dahil Kay Lyndon Kase nag ti train Naman siya mag TESDA
Explanation:
Oks nayan