Basahin ng mabuti ang tekstong pampanitikan at sagutin ang mga katanungan.
Bawat nilalang ay may kanya-kanyang kakayahan at abilidad. Ang handog na ito ng Diyos sa ati ay nararapat lamang nating pagyamanin upang maipamahagi sa mga nangangailangan. Iisa ang mithiin ng bawat manggagawa: kumite nang sapat at maibsan ang hirap na nararanasan nang sa gayo’y maiwasan ang pagkulo ng tiyan. Bagama’t may uri ng trabahong nakahihigit sa iba, pinakamahalaga ay kung paano natin ibinibigay ang lahat ng ating makakaya at nalalaman sa bawat gawaing nakaatang sa atin.
Nakalulungkot isiping marami sa ating mga kababayan ang nagugutom. Ang iba'y nagkakasya na lamang sa pamamalimos. Ang iba naman ay gumagamit ng dahas upang makuha ang pinaghirapan ng kapwa. Ayaw nilang patuluin ang sariling pawis upang kahit paano'y mabawasan ang kahirapan.
Marahil, kung ang isa't isa'y matututong magpakasakit at magtiyaga sa buhay ay may nakalaang tagumpay sa dakong huli para sa kanila. Nakapag-aral man o hindi, sila'y may lugar sa lipunan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa. Anumang uri ng hanapbuhay at antas ng pamumuhay sila nabibilang ay kaisa sila sa hangaring mapaunlad at maiangat ang ating sambayanan.
1. Anong uri ito ng tekstong pampanitikan? *
A. Kuwento
B. Sanaysay
C. Talumpati
2. Aling handog ng Diyos ang dapat pagyamanin? *
A. pinag-aralan
B. kayamanan
C. kakayahan at abilidad
3. Kanino dapat maipamahagi ang handog ng Diyos? *
A. sa nangangailangan
B. sa pamilya at sarili
C. sa kakilala lamang
4. Ano ang mithiin ng bawat manggagawa? *
5. Sa iyong palagay, paano dapat magtrabaho ang isang manggagawa? *
6. Maraming nagsisikap subalit hindi pa rin gumaganda ang kanilang buhay. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Share
Answer:
1: sanaysay
2: pinag aralan
3: say pamilya at sarili
4: pagtulong SA kapwa?
5: nagsisikap Ang mga ito
6: tiwala Lang at tyaga
Explanation:
pa brainlest.