Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga patlang. 1. Si Tamblot ay isa sa mga Pilipino na nag-alsa laban sa mga Espanyol sa ilalim ng estadong kolonyal. Ano ang ipinaglalaban ni Tamblot sa kaniyang pag-aalsa? A. Tinutulan niya ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Español B. Nais niyang bumalik sa dating pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho sa gawaan ng barko D. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni Legazpi sa mga katutubo. 2. Ang pamamalakad sa bansa ni Legazpi ay maganda at maayos. Ngunit nang mamatay si Legazpi, ang naging kapalit niyang si Gobernador Heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo. Bakit hindi naibigan ng mga katutubong Pilipino si Lavezares at naging daan pa ito na nag-alsa ang mga katutubo laban sa kanya? A. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Español ang mga katutubo. B. Naging mayabang si Gobernador Heneral Guido de Lavezares sa mga katutubong Pilipino C. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni Legazpi sa mga katutubo D. Dahil sa sobrang katamaran ng mga Espanyol sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares 3. Siya ang namuno sa pag-aalsa sa Ilocos dahil sa labis na pagbabayad ng buwis a pagnanais na palayasin ang mga Espanyol. Subalit, pinatay siya ng kaniyan kaibigang si Miguel Vicos. Sino siya? A Diego Silang B Bancao C. Tapar D. Hermano Pule 4. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari at kilalanin a kaniyang samahang Confradia de San Jose? A. Sumuroy B. Francisco Dagohoy C. Tamblot D Hermano Pu 5. Pinamunuan niya ang pag-aklas sa Pangasinan noong 1660-1661 na nag-ugat sa pagbabayad ng mga Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-libong katutul nagtatrabaho sa pagawaan ng barko. A Andres Malong B. Maniago C. Magalat D. Ladia
Share
Answer:
1. B. Nais niyang bumalik sa dating pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno.
2. C. Inalis niya ang binigay na karapatan sa mga katutubo.
3. A. Diego Silang
4. D. Hermano Pule
5. A. Andres Malong