Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung anong panahon ito naganap. Piliin ang wastong sagot. P (Paleolitiko) N (Neolitiko) M (Metal)
1.Natutuhan ang paggamit ng apoy.
2.Nagkaroon ng pamumuhay sa anyong campsite.
3.Gumamit ng sistemang kainingin upang makapagtanim.
4.Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso.
5.nagsimulang bumuo ng military.
6.Pinaghalo ang tanso at lata upang makagawa ng bronse.
7.Gumamit ng microlith.8.Pinakamahabang yugto sa kasaysayan.
9.Natutuhan ang pagtunaw at pagpanday ng bakal.
10.Paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenting paninirahan, pagtatanim, paggawa ng palayok, at paghahabi.
11.Iba’t-ibang kagamitan at armas.
12.naniniwala sa mahika at pamahiin.
13.Sistema ng barter.
14.may kaalaman sa larangan ng sining, paglililok, pagpipinta at pag-uukit.
15.natuklasan ng mga Hittite ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
Share
1.Natutuhan ang paggamit ng apoy.
P (Paleolitiko)
_______________________
2.Nagkaroon ng pamumuhay sa anyong campsite.
P (Paleolitiko) at N (Neolitiko)
_______________________
3.Gumamit ng sistemang kainingin upang makapagtanim.
N (Neolitiko)
_______________________
4.Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso.
M (Metal)
_______________________
5.nagsimulang bumuo ng military.
N (Neolitiko)
_______________________
6.Pinaghalo ang tanso at lata upang makagawa ng bronse.
M (Metal)
_______________________
7.Gumamit ng microlith.
N (Neolitiko)
_______________________
8.Pinakamahabang yugto sa kasaysayan.
P (Paleolitiko)
_______________________
9.Natutuhan ang pagtunaw at pagpanday ng bakal.
M (Metal)
_______________________
10.Paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenting paninirahan, pagtatanim, paggawa ng palayok, at paghahabi.
N (Neolitiko)
_______________________
11.Iba’t-ibang kagamitan at armas.
N (Neolitiko)
_______________________
12.naniniwala sa mahika at pamahiin.
N (Neolitiko)
_______________________
13.Sistema ng barter.
N (Neolitiko)
_______________________
14.may kaalaman sa larangan ng sining, paglililok, pagpipinta at pag-uukit.
M (Metal)
_______________________
15.natuklasan ng mga Hittite ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
M (Metal)
_______________________
Panahon ng Metal
Panahon ng Tanso
•Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahilsa tanso subalit patuloy pa rin angpaggamit sa kagamitang yari sa bato.
•4000 B.C sa ilang lugay sa asya, 2000 B.C.E sa Europe at 1500 B.C.E sa Egypt.
•Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari satanso
•Ang unang natutunang gamitin na metal ng mgasinaunang tao ay ang tanso o copper.
•Pinapainitan nila ang copper ore ng uling upangmaging metal na tanso.
•Madalas nilang gawin itong alahas a kagamitangpandigma
•Natutunan nila ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang Asya.
_______________________
PANAHONG NEOLITIKO O PANAHON NG BAGONG BATO
•Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso
•Gumagamit sila ng microlith o maliliit at hugis geometric na bato na nakalagay sa mga kahoy o buto.
•Nagsimula silang maniwala sa mga mahika at pamahiin
•Nagsimula silang mag-alaga ng mga hayop tulad ng aso.
•Pinasimulan nila ang sistemang barter o ang pagpapalitan ng produkto.
•Nagsimula silang bumuo ng military at nagtayo ng mga estrukturang pangdepensa tulad ng pader at tore.
_______________________
ANG PANAHONG PALEOLITIKO
(Paleolithic Period) o ng Panahon ng Lumang Bato (Old Stone Age) ang pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao. Ang terminong ito ay mula sa mga katagang Greek na paleos o “matanda” at lithos o “bato”. Kaalinsabay nito ang napakalawak na panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato (Stone Age) at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Sinasabing dito nagsimula ang pagamit ng mga kasangkapang bato ng mga hominid