Basahing Mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa pangungusap?
A. Panlapi
B. Pangatnig
C. Pang-angkop
D. Salitang-ugat
2. Ang sarimanok ay natagpuan _____ ni Muhammamad sa kalangitan. Ang wastong pangatnig ang bubuo sa pangungusap.
A. Ngunit
B. Dahil
C. Daw
D. Subalit
3. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuringan?
A. Pang-angkop
B. Pangatnig
C. Pang-uri
D. Pang-abay
4. Hinintay ng Sultan ang pagbabalik ng kanyang anak. Ano ang salitang-ugat ng salitang “hinintay”?
A. Intay
B. Hintay
C. Hinintay
D. Nintay
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang katotohanan?
A. Ang sarimanok ay isang tandang na maaaring galing sa kalangitan.
B. Maaaring nakakapagsalita ang sarimanok.
C. Maaring nagging anyong tao ang tandang.
D. Ang sarimanok ay mahalagang sagisag ng mga Muslim sa Mindanao.
Share
Verified answer
Answer:
1. B. Pangatnig
2. C. Daw
3. A. Pang-angkop
4. B. Hintay
5. D. Ang sarimanok ay mahalagang sagisag ng mga Muslim sa Mindanao
Explanation:
Tama po yan
#Carryonlearning