Batay sa editorial cartooning na ito tungkol sa wika at wikain sa panahon ng makabagong teknolohiya. Sumulat ng editoyal.
pasagot po pleaseee, kailangan ko na po ngayon, salamat po.
Share
Batay sa editorial cartooning na ito tungkol sa wika at wikain sa panahon ng makabagong teknolohiya. Sumulat ng editoyal.
pasagot po pleaseee, kailangan ko na po ngayon, salamat po.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Tuwing buwan ng Agosto, binibigyan pansin nain ang ating wikang Filipino na siyang nagbubuklod sa atin bilang iisang lahi mul and Luzon, Visayas at Mindanao. Bagamat ang ating bansa ay may mahigit na isang daang katutubong wika, ang ating Saligang Batas ay lumalayon sa pagbuo ng wikang Filipino na kinapapalooban ng mga wika. Dahil dito, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay binuo 24 na taon na ang nakalipas upang mamahala sa pag-unlad ng wikang Filipino sa buong kapuluan ng Pilipinas.
Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran. Napakapalad ang lalawigan ng Pangasinan na napili ng KWF na pinagdausan ng makasaysayang Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na ginanap sa Sison Auditorium sa Lingayen noong ika-5 hanggang ika-pito ng Agosto.
Sa mga piling lugar sa buong bansa, ay mayroon ding mga makabuluhang aktibidad na ginawa gaya ng paggawad ng mga premyo sa mga nanalo ng Gawad Sanaysay na ginanap sa Sulo Riviera Hotel noong Ika-19 ng Agosto. Sa 26–28 Agosto sa Ateneo de Manila University ay gaganapin naman ang “ASEAN Literary Forum” ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) at sa 29 Agosto gagawin naman ang “Kongreso ng mga Manunulat” na pangangasiwaan ng UMPIL.
Ano nga ba ang kahalagahan ng wikang Filipino at bakit kailangan pa itong ipagdiriwang?
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 15 rehiyon na ang bawat isa ay may kanya-kanyang katutubong wika. Sa Mindanao mayroong mga wikang Maranao, Chabacano, Tausog, Subuanon, Hiligaynon at mga katutubong wika ng mga lumad gaya ng Badjao at Manobo, sa Visayas naman ay may Waray, Hiligaynon, Subuanon at Kinaray-a at sa Luzon ay may Bicolnon, Tagalog, Kapampangan, Ilokano, Sambal, Pangngasinan, Bolinao, Kankanaey, Ibaloi at iba pang katutubong wika. Dahil dito, sa mga nagdaang mga taon, hati ang mga Filipino dahil sa rehiyonalismo na ang bawat isa ay gustong umangat sa kanilang sariling wika, sining at kultura.
Sa pagkakaroon ng wikang Filipino na hinabi sa mga wikang galing sa mga rehiyon, ito ay magtataguyod ng pagkaka-isa at pagkakaunawaan. Ang ibig sabihin nito, ang wikang Tagalog ang siyang ” base language” na hahaluan ng mga salitang galing sa mga dominanteng wika ng mga rehiyon. Ito ang binubuo ngayon ng KWF upang sa ganoon ay may tatak ang pagka-Filipino ng bawat isa.
Ang wika sabi nila ay may buhay. Araw-araw ay may mga umuusbong na mga bagong salita at pag ang mga ito ay malimit ng ginagamit, magiging bahagi na sila sa mga salitang naidadagdag sa ating wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay dapat ng linangin ng bawat isa. Isantabi na ang tatak ng rehiyonalismo dahil bagamat mahigit isang daan ang ating wika, iisang dugo ang dumadaloy- dugo ng pagka-Filipino.