batay sa mga larawan, ilahad ang nagagawa ng social media sa ating buhay sa paraang patalata.
Home
/
batay sa mga larawan, ilahad ang nagagawa ng social media sa ating buhay sa paraang patalata.
batay sa mga larawan, ilahad ang nagagawa ng social media sa ating buhay sa paraang patalata.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Social media
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Wala na yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites, o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikatang mga nabangit na websites, ngunit ano nga ba ang epekto ng social networking sites sa paguugali natin? Partikular sa mga kabataan ngayon? Isa sa mabutingepekto ng mga nabangit na websites ay ang easy access o madaling paraan upangmakapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon. O mga balita na interesadoang lahat na malaman, kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sagobyerno o mga artikulo o babasahin na marami tayong matututunan. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan. Minsan kahit hindi nila personal na kilala ay kanilan ina-add as friend o idinadagdag sa mga taong maaring makita anglaman ng kanilang profile. Kaya lang nga minsan madalas na nagkakapikunan ang mga kabataan sa mga post na hindi nila gusto.
Madalas itong humahantong sa batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais na salita. Minsan naman aynagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na din samga nakikita nila sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag kahit nakakasakit na tayo.