Batay sa sainyong pagkakaunawa, ano ang ibig sabihin ng pambansang kita? ( 5 words )
Home
/
Batay sa sainyong pagkakaunawa, ano ang ibig sabihin ng pambansang kita? ( 5 words )
Batay sa sainyong pagkakaunawa, ano ang ibig sabihin ng pambansang kita? ( 5 words )
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Kahulugan ng pambansang kita
Ang pambansang kita ay ang kabuuang kitang pinansyal ng lahat ng sektor na nasasakupan ng isang bansa o estado. Sa pambansang kita natutukoy kung ang ekonomiya ng isang bansa ay maunlad o hindi.
Ang Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP) ay parehong sumusukat sa pambansang kita ng bansa, parehas din itong tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo ng bansa.
Gross National Income (GNI)
Ang Gross National Income (GNI) ay ang dating Gross National Product. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan sa isang bansa. Sinusukat gamit ang salapi sa bawat kwarter sa loob ng isang tao na ginagamit ang dolyar bilang pamantayan.
Gross Domestic Product (GDP)
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat naman sa pampamilihang halaga ng lahat ng tapos ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon. Kasama dito ang lahat ng mga salik na ginamit sa produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo maging pagmamay-ari ng mga dayuhan o hindi na matatagpuan sa loob ng isang bansa.
Explanation:
pa brainllest nalang po