Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap
2. Si Federico ay mahilig sa hayop ngunit wala siyang alaga dahil wala silang pambili ng aso o pusa. Isang araw, habang siya ay papauwi mula sa paaralan, may narinig siyang mahinang iyak. Pumunta siya sa gilid ng daan at sumilip sa ilalim ng mga halaman. May nakita siyang maliit na kuting na umiiyak at parang tinatawag ang kanyang nanay. Lumingalinga si Federico ngunit wala siyang nakitang pusa sa paligid.__________________________________________________________________________________-
Share
Answer:
Gustuhin man ni Federico ng alaga.Hindi niya ito kinuha kundi kumuha siya sa kanilang bahay ng pagkain at maiinom at binigay niya ito sa kuting kung saan niya ito natagpuan. Inisip ni Federico na mayroong nanay na maghahanap sa kanyang anak. Naghintay siya ng ilang oras at dumating na nga ang nanay ng kuting, binigyan niya rin ito ng pagkain. Kinabukasan nakita ni Federico sa kanilang harap ng pintuan , naghihintay ang nanay at kuting sa kanya. Dahil malapit lang ito sa kanila marahil nasundan narin siya nito. Inampon ni Federico ang mga ito at natupad na ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng alaga.